Natuloy na rin ang reunion o muling pakikipagkita ng mga anak ni Ruffa Gutierrez na sina Lorin at Venice sa kanilang amang si Yilmaz Bektas, na naganap sa Istanbul, Turkey ngayong Hunyo 11.

Makikita ang madamdaming pagtatagpo ng mag-aama sa TikTok at Instagram Reel ni Ruffa. Ang video ay kuha ng staff ni Yilmaz na ipinadala naman sa kaniya.

Kitang-kita na mula sa likuran ay sorpresang niyakap ni Yilmaz ang kaniyang dalawang anak.

Matatandaang noong Hunyo 8 ay ibinahagi ni Ruffa sa kaniyang social media accounts ang nalalapit na pagkikita ng mag-aama.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

"After 15 long years apart, a beautiful reunion will finally take place in Istanbul this weekend. #TogetherAgain," saad ni Ruffa sa kaniyang caption.

Hunyo 10 naman ay ibinahagi ni Ruffa ang ilang clips habang nasa airport na ang mga anak, gayundin ang kanilang flight patungo sa Istanbul Airport.

"All their bags are packed, they’re ready to go," ani Ruffa.

"5:30am drop off for Lorin & Venice’s morning flight to Istanbul. The girls are super looking forward to reuniting with their Baba and Turkish loved ones after more than a decade."

"My cuties, have a meaningful, memorable and fun trip! Take lots of pics & videos. Better yet, vlog! I love you."

At ngayong Hunyo 11 nga ay naganap na ang pagkikita ng mag-aama. Sinundo ni Yilmaz ang kaniyang mga anak sa airport.

"The greatest love story of all time is between a father and his daughters. A beautiful and heartwarming reunion after 15 years of being apart. #NewBeginnings #TogetherAgain #Yilmaz #Ilknaz #Lorin #Venice."

Nagkrus ang mga landas nina Ruffa at Yilmaz noong 2003 habang si Ruffa ay nasa Cannes Festival. Si Yilmaz Bektas ay tagapagmana ng mayamang Turkish family, at itinuturing na "prince" ng kanilang mga negosyo na may kinalaman sa petroleum, trading, diamonds, at communicat003 ay isinagawa ang 'royal wedding' ng dalawa subalit nauwi rin sa hiwalayan.