Tila hindi pa tapos sa kaniyang paninita at pang-ookray ang showbiz columnist na si Lolit Solis kay Kapuso actress Bea Alonzo, na nag-ugat dahil sa pagtutol umano ng aktres at talent manager nitong si Shirley Kuan, na huwag silang makasama ng kaniyang mga kaibigang showbiz writers sa isang presscon.

Mismong kay Lolit na nanggaling na hanggang ngayon, may isang aktres na gagawa sa kanila nang ganoon. Hanggang ngayon, hindi pa rin daw siya makapag-move on.

"Favorite actress pala ni Leo Espinosa si Bea Alonzo, Salve. Kaya shock na shock siya na nagawa nito ang petty power tripping na ipa-cancel tayo nila Gorgy sa isang presscon," panimula ni Lolit sa kaniyang Instagram post nitong Biyernes, Hunyo 10.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Katwiran ni Lolit, masyado raw demanding si Bea at tila hindi naman daw nakatulong sa sales o benta ng beauty product na ineendorso nito.

"Ganoon daw pala kababaw ang ugali nito na nasa showbiz pero very sensitive. Ngayon lang daw nakarinig si Leo Espinosa ng artista na hiniling huwag invite ang movie writer sa isang presscon na hindi naman siya ang magbabayad sa resto at isa lang siyang endorser na hindi mo alam kung iri-renew ba ng may-ari ng produkto dahil masyadong demanding eh hindi naman yata nakatulong sa sales dahil hindi gaanong sumipa ang product na siya ang endorser."

Muli niyang inihambing si Bea kay Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, na ayon sa mga una niyang IG post, ay mas bata raw tingnan kahit may asawa't mga anak na, kumpara kay Bea. Mukha raw mag-tiyahin sina Bea at Alden Richards, na abala na sa taping ng "Start Up Philippines".

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/26/bea-tinawag-na-starlet-mukhang-matanda-na-raw-kumpara-kay-marian-parang-tiyahin-ni-alden-lolit/">https://balita.net.ph/2022/05/26/bea-tinawag-na-starlet-mukhang-matanda-na-raw-kumpara-kay-marian-parang-tiyahin-ni-alden-lolit/

"Imagine mo na maging demanding ka pati sa invitation ng kung sino ang puwede pumunta sa presscon mo, eh binayaran naman ang trabaho mo ? Malaking stigma pag hindi na renew ang contract dahil tiyak na malalaman kaya nangyari iyon dahil hindi kinagat sa market ang product na siya ang nag-endorse."

"Eh si Marian Rivera matagal pa bago mag-expire binigyan na agad ng bagong contract. Paano na mangyayari kay Bea Alonzo lalo pa nga at kitang-kita mo na mukha siyang older kay Alden Richards sa ginagawa nilang serye? Kaya nga hindi mo makuhang kiligin dahil mukha silang mag-Tita, very yummy si Alden, at mukhang sweet Tita si Bea."

Tila ipinagpasalamat pa umano ni Lolit na hindi sila naimbitahan sa naturang presscon.

"Buti na lang wala tayo sa presscon Salve at Gorgy, kundi maraming kape maiinom natin dahil late si Bea Alonzo ng 2 oras, at aantukin tayo sa mga eklay na sagot niya sa mga tanong sa presscon. Kaya pala nagtatagal sa make up room dahil talagang dapat ayusin mabuti ang make up dahil nga sa mga wrinkles sa mukha at leeg na dapat takpan para hindi mahalata ang edad ni Bea Alonzo. Hay naku,hindi ako maka move on. "

"Talagang hangga ngayon iniisip ko pa ano kaya pumasok sa utak ni Bea ng i-request niya na huwag tayo invite sa presscon. Gusto niya ipabalot iyon food natin? Gusto niya idagdag sa TF niya laman ng lucky envelope? O ayaw niya makita mas makinis kutis ni Gorgy at Salve? O ayaw niya makita wicked witch na si Lolit? ANO ? Please, ANO?"

Samantala, wala pang tugon o reaksiyon ang kampo ni Bea sa mga tirada sa kaniya ni Lolit.