Nagiging aktibo na muli sa kanyang YouTube channel si Carla Abellana, kasabay nito ang mga nagkalat na Marites sa kanyang mga vlog.

Nakiusap na ang Kapuso star sa kanyang subscribers na igalang ang kaunting pribadong bahagi ng kanyang buhay matapos tadtarin ng komento tungkol sa kanyang asawang si Tom Rodriguez ang isang vlog niya kamakailan.

Isang mahabang paalala ang ipinakiusap ni Carla sa kanilang Singapore travel vlog kasama ang kanyang pamilya.

“I would also like to take this opportunity to remind everyone that this is the YouTube channel of Carla Abellana. That’s me and nobody else. It’s always been that way so I hope you remember that I am an individual, first and foremost. It’s never been a joint YouTube account and the name of this channel contains only my name so I believe it’s just right to expect to see my face and hear my voice in every episode, right?” sabi ng aktres.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

Dagdag niya, intensyon ng kanyang channel na mapalapit sa kanyang fans at followers sa mga eksklusibong ganap niya sa likod ng telebisyon. Isang paraan ng pasasalamatan din aniya ito para sa suportang natatanggap mula sa fans.

“I am a celebrity and a public figure so barely anything in my life is kept private, but here i am allowing you much closer into my personal life. Sana po maisip niyo po na hindi po madali para sa amin na mas palapitin pa po kayo at mas pasilipin sa mga pribadong aspeto ng buhay at trabaho namin. Kaya sana po may konting regard and respect. It may be YouTube, but nowhere is it right to just throw around harsh comments and judgment, even on the internet,” pakiusap ni Carla.

Sa kamakailang YouTube vlog na in-upload ng aktres kung saan ipinasilip nito ang kanyang photoshoot para sa isang brand, kapansin-pansin ang mga komento ukol sa pinag-usapang hiwalayan nila ng asawa at kapwa Kapuso actor na si Tom Rodriguez.

Dito, ilang netizens pa ang nag-iwan ng mga unsolicited comments ukol sa mga isyung kinasangkutan umano ng dalawa, bagay na nananatiling walang kumpirmasyon sa dalawang panig.

Ito ang tila naging dahilan ng pagsasara ng comment section ni Carla sa kanyang pinakahuling YouTube vlog.

“If you are looking for someone else or prefer to follow a different celebrity, many of them have YouTube channels as well. You are free to subscribe or not. It’s really up to you! But wouldn’t it be great if we could keep this space positive and healthy for everyone? I’m sure we will all benefit from that,” anang aktres.

Dagdag niya, “After all, that’s what I always intend to achieve through my episodes, which is to just spread good vibes. No to anything TOXIC and hello to genuine happiness.”

Matatandaang isang cryptic post ni Tom ang umagaw muli ng atensyon ng netizens kamakailan.

Umugong kasi ang bali-balitang inaasikaso na raw ni Carla ang annulment nila, at kasabay nito, ang makahulugang Instagram story ni Tom ng isang litrato ng dalawang kamay na tila nakawala na sa posas.

Sinundan niya ito ng litrato ng mushroom cloud at may caption itong tula na pinamagatang “Mutually Assured.”

Kagaya noong una, nananatiling tikom ang dalawang panig sa mga isyu ukol sa mga kontrobersiya ng kanilang umanong hiwalayan.

Basahin: Tom, pinagbawalang magsalita tungkol isyu ng hiwalayan nila ni Carla? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid