Proud mom ang Kapuso actress na si Valerie Concepcion nang maka-graduate ng high school ang kaniyang anak na si Heather nitong Huwebes, Hunyo 9.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Valerie ang ilan sa mga pictures ng kaniyang anak.

"Right from when you were still a kid until now, you have only given me reasons to hold my head up high," mensahe ni Valerie kay Heather.

"I am so proud of you, my Dearest Heather and I am wishing you all the success and happiness the world has to offer.Good luck on your new journey, anak ko.ILYSM and I'll always be here for you. That's a promise," dagdag pa niya."

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

"With love and pride today and always, MOM."

Ikinasal ang aktres sa kaniyang non-showbiz partner na si Francis Sunga noong 2019. Si Heather ay anak ni Valerie sa kaniyang dating karelasyon.

Kasalukuyang mapapanood ang aktres sa teleseryeng "Raising Mamay" ng GMA Network.