Iniimbestigahan na ngayon ng mga awtoridad ang insidente ng pananambang at pagpatay sa isang babaeng opisyal ng Commission on Elections (Comelec) sa Zamboanga del Norte nitong Huwebes ng gabi.

Dead on the spot ang biktimang kinilala ng pulisya na si Maricel Peralta, 45, nakatalaga sa Mutia, Zamboanga del Norte, dahil sa mga tama ng bala sa katawan, ayon sa pulisya.

Kaagad na tumakas ang hindi nakikilalang suspek, sakay ng isang motorsiklo.

Nakaligtas naman sa insidente ang isang babaeng assistant election officer na kasama ng biktima sa sasakyan nang maganap ang insidente.

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder

Sa paunang ulat ng pulisya ng Piñan Municipal Police, pauwi na sana ang biktima sa Dapitan City sakay ng kanyang kotse, kasama ang assistant nito at nang makarating isang tulay sa Barangay Lapu-Lapu, Piñan ay bahagyang huminto dahil na rin sa nakatambak na lupa.

Gayunman, biglang nilapitan ng isang lalaking naka-motorsiklo at pinaputukan ito ng ilang beses.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo at nasa likod ng pamamaslang.