Sina Maureen Wroblewitz at Juan Karlos Labajo ang panibagong showbiz couple na nag-anunsyo ng kanilang hiwalayan ngayong Biyernes.

Sa isang Instagram post, kalakip ang larawan nila ni Maureen ay ibinahagi ng musikero na si JK ang estado ng kanilang relasyon ni Maureen.

“Magka-ibigan na ngayo’y matalik na magkaibigan. Lagi mong tandaan na kahit pagbaliktarin mo man ang mundo, kahit saang lupalop man ng kalawakan, ikaw parin ang nagiisa kong buwan. Maraming salamat, mahal kita, at hanggang sa muli.❤️

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

Dagdag niya, “Ikaw ay malaya nang lumipad, aking paruparo.”

Sa hiwalay na Instagram post, isang kumpirmasyon din ang binitawan ni Maureen.

“Some things come to an end and that’s okay. but now it’s time for us to grow on our own 🤍” anang beauty queen.

Basahin: JK Labajo, sinurpresa ang kanyang ‘Miss Universe’ na si Maureen Wroblewitz – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa naturang post ni Maureen, mababasa ang mahabang komento ni JK.

"I am the luckiest person in the world to have spent the past years of my life with you and I wouldn’t choose anybody else to have spend those years with. You’ve taught me so much and I have learned, I am learning, and I will learn more. We are both so young and we have to enjoy ourselves. I want to see you succeed. I love seeing you achieve your dreams. You will. We will. Here’s to growth and love for ourselves. For there is no greater love than self-love. Dankëschon, Ich liebe dich and auf wiedersehen. ❤️"

Taong 2017 nang unang maintriga sa isa’t isa sina JK at Maureen.

Lalong naging usap-usapan ang dalawa noong 2018 nang lumabas ang Asia’s Top Model winner sa music video ni JK na “Buwan.”

Hindi kumpirmado kung kailan eksaktong naging magsintahan ang dalawa ngunit naging pribado ang kanilang relasyon dahil na rin sa hiling ng musikero.

Basahin: JK, gustong ‘private’ lang ang anumang meron sila ni Maureen – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid