Naghiwalay man ay nananatiling magkaibigan at may respeto sa kanilang naging relasyon sina Maureen Wroblewitz at Juan Karlos Labajo.

Kasunod ng anunsyo ng hiwalayan nitong Biyernes, parehong nagkomento ang dalawa sa kanya-kanya nilang social media accounts, senyales anang netizens na naging “mature” ang dalawang panig sa kanilang desisyon.

Basahin: Maureen Wroblewitz at Juan Karlos Labajo, hiwalay na rin – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa Instagram post ni Maureen, isang mahabang mensahe ang iniwan ni JK.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

“I am the luckiest person in the world to have spent the past years of my life with you and I wouldn’t choose anybody else to have spent those years with,” anang singer-songwriter.

Kinilala rin ni JK ang mga bagay na natutunan niya kay Maureen at sa mga bagay na kasalukuyan pa niyang natutunan at matutunan pa.

“We are both so young and we have to enjoy ourselves,” dagdag ni JK.

Sa kabila ng kanilang hiwalayan, hangad pa rin ng singer ang tagumpay ni Maureen sa mga tatahakin nitong pangarap.

“Ikaw ay malaya nang lumipad, aking paruparo,” nauna nang sabi ng musikero sa kanyang komento sa isang Facebook post.

Pagpapatuloy ni JK: “ I love seeing you achieve your dreams. You will. We will. Here’s to growth and love for ourselves. For there is no greater love than self-love. Dankëschon, Ich liebe dich and auf wiedersehen.❤️”

Isang heart emoji naman ang iniwan ni Maureen sa post ni JK.