Hindi nakonsulta ang Department of Health (DOH) sa desisyon ng Cebu provincial government na gawing optional na lamang ang pagsusuot ng face mask sa pampublikong lugar.

“Unang-una, gusto natin ito linawin, ano? Hindi po kami nakonsulta regarding this move or executive order coming from Cebu,” pagdidiin ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang pulong balitaan nitong Biyernes.

Mahalaga pa rin aniya ang face mask sa paglaban sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa bansa.

“Nirerekomenda natin na ipagpatuloy nating isuot ang face mask dahil isa po ito sa ating mga panlaban dito po sa Covid-19 na meron tayo ngayon,” anang opisyal.

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder

Matatandaan na naglabas ng Executive Order No. 16 si Cebu GovernorGwen Garcia na nagsasaad na hindi na obligadong magh-face mask ang mamamayan sa lalawigan.

Gayunman, ipinaliwanag ng kautusan na kailangan pa ring magsuot nito sa mga air-conditioned area.

“Ito po ay nakatulong sa atin for more than two years na lumalaban sa pandemya para hindi po mag tuloy-tuloy ang transmission ng sakit dito sa ating bansa,” sabi naman ni Vergeire.

Sa pag-aaral, natuklasang protektado ang mga Pinoy laban sa Covid-19 at iba pang sakit,p katulad ng monkeypox kapag nagsusuot ng face mask.

“So by saying that, maliit na sakripisyo ito para maprotektahan tayong mga kababayan natin pati ang ating komunidad at sana po ay ‘wag po nating kontrahin,” panawagan pa ni Vergeire.