Ang celebrity hot momma na si Christine Reyes ang gaganap na batang Imee Marcos sa pelikulang “Maid in Malacañang” ni Darryl Yap.

Nauna nang inanunsyo ang mag-amang sina Diego Loyzaga at Cesar Montano bilang batang Bongbong Marcos Jr. at dating Pangulong Ferdinand Marcos, ayon sa pagkakasunod-sunod.

Basahin: Cesar Montano, gaganap na Marcos, Sr.; anak na si Diego Loyzaga, si Bongbong naman – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Kumasa at ipinakilala na rin ang gaganap na dating First Lady na si Imelda Marcos sa katauhan sa celebrity mom din na si Ruffa Gutierrez.

Karina Bautista, PH navy reservist na

Ang pelikulang ito ay magpapakita ng “the last 72 hours of the Marcoses inside the Palace through the eyes of one reliable source.” Ang magiging panahon ng tagpuan ay noong 1986.

Tanging ang karakter ng mismong “Maid in Malacañang” na lang ang nanatiling siktreto sa ngayon.

Usap-usapan naman sa social media ang maaaring partisipasyon ni Toni Gonzaga o Juliana Parizcova Segovia para sa lead role.