Usap-usapan ngayon ang “matchy-matchy” na pag-flex sa isa't isa nina Skusta Clee o Daryl Ruiz, at ang napababalitang bagong jowa nito, sa kani-kanilang mga social media stories ngayong Hunyo 9.

Makikita sa IG story ng sinasabing bagong kinahuhumalingan ni Daryl na si Aira Mae Lipata, ang eksaktong litratong ibinahagi naman ng singer-rapper sa kaniyang sariling IG story. Makikitang tila nakaupo si Aira sa isang counter habang si Skusta Clee naman ay nakatanghod dito, at tila may tinitingnan sa ibang dako. Mapapansin namang nakalapat ang kaliwang bisig ni Skusta sa binti ng babae, at malapit na sa 'bibingka' nito.

Skusta Clee at Aira Mae Lipata (Screengrab mula sa IG ni Aira Mae Lipata)

Tsika at Intriga

11 na buwan sa kulungan: Ricardo Cepeda, pansamantalang nakalaya

Skusta Clee at Aira Mae Lipata (Screengrab mula sa FB ni Aira Mae Lipata)

Matatandaang naging usap-usapan ang ginawang paninipa umano ng social media personality na si Zeinab Harake sa napababalitang bagong "apple of the eye" ng kaniyang partner at ama ng kaniyang anak.

Ayon sa ulat, nagpang-abot umano sina Zeinab at ang babaeng kinilalang si Aira Mae, sa isang bar sa Tomas Morato, Quezon City. Tinadyakan umano ni Zeinab si Aira at natumba kaagad ito. Plano raw kasuhan ng pamilya ni Aira si Zeinab ngunit hindi pa ito kumpirmado. Marami umanong nakakitang netizen sa selfie nito sa bahay ng mang-aawit.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/28/zeinab-harake-sinipa-at-nakaalitan-ang-bagong-jowa-ni-skusta-clee-sa-isang-bar-sa-qc/">https://balita.net.ph/2022/05/28/zeinab-harake-sinipa-at-nakaalitan-ang-bagong-jowa-ni-skusta-clee-sa-isang-bar-sa-qc/

Wala pang direktang pag-amin ang dalawa sa estado ng kanilang relasyon. Ibinahagi rin ni Aira sa kaniyang IG ang sexy photos niya na may caption na "Game Over".

Samantala, wala pang reaksiyon si Zeinab tungkol dito.