PANGASINAN - Sa Isang janitor ang nagsauli ng mahigit sa ₱150,000 cash matapos mapulot sa isang shopping mall sa Rosales kamakailan.

Sa salaysay ni Dexter Madriaga, 37, kasalukuyan siyang naglilinis sa men's fitting room nang mapansin nito ang isang bag na naglalaman ng susi ng kotse, pitaka, iba't ibang automated teller machine (ATM) cards, cellular phone at cash na ₱153,000 noong Mayo 1.

Aniya, hindi siya natukso sa pera kahit kailangan niya ito dahil hindi niya pinagpaguran.

Pagkatapos ng pagkakadiskubre, kaagad niyang dinala ang bag sa security personnel's office na kumontak sa may-ari nito.

Probinsya

PCG personnel, kasama sa mga nasawing biktima sa SCTEX road crash; naulila ang 2-anyos na anak

Paliwanag niya, kahit paano ay nakatulong sa kanyang pamilya ang ibinigay na gantimpala mula sa may-ari ng bag.

Hinikayat nito ang mga kasamahan sa trabaho na magsipag at maging tapat sa serbisyo upang mapanatili ang dignidad.

Si Madriaga ay kabilang sa mga tapat na manggagawa na binigyan ng award ng shopping mall nitong Hunyo 9.

PNA