BENGUET - Patay ang dalawang estudyante at isa ang naiulat na nasugatan matapos mahulog sa bangin ang sinasakyang sports utility vehicle (SUV) sa La Trinidad nitong Miyerkules ng madaling-araw.

Dead on arrival sa Benguet General Hospital sinaCedric Batil Wasit, 25, at Rolly Quintino, 24, kapwa taga-Barangay Palew Tublay, Benguet.

Isinugod din sa pagamutan ang sugatang kasamahan na siAlzemierAnton Menes, 24, taga-nasabi ring lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon ng La Trinidad Municipal Police Station, galing ng Poblacion ang tatlo at patungo sana sa Upper Tomay, La Trinidad lulan ng nasabing sasakyan na minamaneho ni Wasit nang maganap ang aksidente sa Brgy. Bahong dakong 1:30 ng madaling araw.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Bigla umanong kinain ng sasakyan ang kabilang linya ng kalsada at bumangga sa road barrier hanggang sa mahulog sa 10 metrong bangin.

Nagsasagawa pa rin ng imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang sanhi ng aksidente.