Hindi pa man isinisilang ang panganay ng YouTube couple na sina Viy Cortez at Lincon ‘Cong’ Velasquez ay napadalhan na agad ito ng regalo mula sa kanyang Ninang Toni Gonzaga.

Ito ang excited na ibinahagi ng first-time mom sa isang Tiktok video, Martes, Hunyo 7.

Tatlong kahon ng regalo ang ipinadala ni Toni kay Viy para kay Baby Kidlad kalakip ang maikling mensahe.

“Dearest Kidlat, excited na ang lahat na ma-meet ka! May you grow up blessed, favored and loved always. Hope to see you soon!” mababasa sa mensahe ng actress-host.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Laman ng tatlong gift boxes ang ilang baby care kits kabilang ang birth cloth, personalized bag, mga kumot, lamp, bukod sa iba pa.

“Thank you, Ma’am Toni! Thank you, thank you so much,” maririnig na sabi ni Viy sa Tiktok video.

Certified fan ng aktres si Viy kaya't abot-abot na lang kilig nito nang matanggap ang regalo mula kay Toni.

Samantala, sa isa pang Tiktok video, naghahanda na rin si Viy para sa kanyang nalalapit na panganganak.

Basahin: Viy Cortez, ipinakita ang sonogram ng kanilang ‘Baby Kidlat’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ilang hospital bags ang naka-impake na para sa pag-welcome kay Baby Kidlat.