Hindi rin nakaligtas sina Marco Alcaraz at Lara Quigaman at maging ang kanilang marriage ay tinaningan na ng isang netizen kasunod ng mga napabalitang hiwalayan ng kapwa showbiz couple kamakailan.

Sa isang Instagram post, Martes, nagbukas ng kanyang saloobin sa publiko si Lara ukol sa mga taong hihilingin pang mabigo ang mga relasyon.

Basahin: Vice Ganda, sinupalpal ang isang netizen matapos taningan ang kanilang relasyon ni Ion – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ilang memes din ang kamakailan kumalat ukol sa mga umiiyak na groom sa kasal ang napagdiskitahan ng netizens matapos ang pinag-usapang hiwalayan nina Moira Dela Torre at Jason Hernandez, bagay na ikinadismaya rin ni Lara.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Basahin: Luis, pinagtripan, isinama sa memes ng mga groom na naiyak sa kasal pero nakipaghiwalay; Jessy, pumalag – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Marco cried on both of our weddings, sa unang kasal pa nga namin sa Vancouver, humagulgol siya...does that mean- maghihiwalay kami dahil lang umiyak ang asawa ko sa kasal namin? And are some people really waiting and hoping for that to happen?”

Aminado naman ang aktres na sa labindalawang taon nilang pagsasama ni Marco ay hindi naging madali ang lahat para sa kanilang dalawa.

“Marriage is not easy. Marco and I have been married for almost 12 years- but we always pray and ask God to cover our relationship, we pray that we will never be complacent and think we are alright when we are not,” saad ni Lara.

Dagdag niya, “We are not perfect and we know that there will be temptations and challenges all the time and we can only rely on God's grace to keep us from falling and failing.”

Isang paalala naman ang bilin ni Lara sa sinumang kasalukuyang nakararanas ng pagsubok sa kanilang marriage.

“God is gracious, give your frustrations and heartaches to Him. Nothing is too broken for Him to restore and make whole again, nothing too impossible for Him to fix... seek Him, cry out to Him. He answers... I am praying with you tonight,” ani Lara.

Kamakailan ay kinakiligan ng netizens ang sweet travel photos ng celebrity couple sa kanilang Europe trip.

Basahin: Lara Quigaman, may #AsawaTip kasunod ng kanilang Europe trip ni Marco Alcaraz – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid