TANZA, Cavite – Naging literal na madugo ang inuman sa Barangay Daang Amaya 2 matapos saksakin ng isang lalaki ang kainuman nitong Lunes, Hunyo 6.

Kinilala ng Tanza Municipal Police Station ang suspek na si Kenneth Trias, 20 anyos.

Pagsasalaysay ni investigator-on-case Staff Sgt. Jonathan A. Lagario sa Manila Bulletin na nakikipag-inuman si Trias sa 46-anyos na lalaking biktima nang magkaroon ng pagtatalo tungkol sa isang personal na bagay.

Nauwi sa gulo ang hindi pagkakasundo, kung saan sinaksak ng suspek ang biktima sa kaliwang dibdib at kaliwang balikat.

Probinsya

PCG personnel, kasama sa mga nasawing biktima sa SCTEX road crash; naulila ang 2-anyos na anak

Isinugod ang biktima sa Tanza Specialists Medical Center kung saan siya nagpagamot.

Nasa kustodiya ng pulisya si Trias at nahaharap sa mga kasong frustrated murder.

Carla Bauto Deña