Naibahagi ng showbiz columnist na si Cristy Fermin na nakarating na umano sa Houston, Texas sa Amerika si Queen of All Media Kris Aquino para sa isasagawang gamutan sa kaniyang sakit.

Palaisipan umano kay Cristy kung paanong nakarating si Kris sa Texas na hindi nito naibahagi o naidetalye sa social media. Aniya, isang impormante ang nag-ispluk sa kaniya, na may nagpahiram umano ng private plane kay Kris para makarating na ito patungong Texas.

Windang naman si Cristy sa posibilidad na gumastos nang malaking-malaki si Kris para sa private plane na ito. Naitanong daw niya sa isang kaibigang may private plane na ang biyahe mula Pilipinas hanggang Singapore ay papalo sa 8M hanggang 10M daw ang bayad papunta pa lamang. Iba pa raw ang bayad pabalik.

"Alam mo may kaibigan ako, Singapore pa lang, 8M to 10M na pagka-private jet plane… at pabalik, ganoon din. Eh paano pa yung Amerika na 17 hours? Magkano ito? Eh 'di aakyat 'to ng 20 hanggang 25, baka 30 pa," sey ni Cristy.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Hindi naman nabanggit ng showbiz columnist kung nasa piso o dolyar ba ang currency ng perang pinag-uusapan dito.

"Baka lagpas pa," hirit naman ng co-host niyang si Romel Chika, para sa Wednesday episode ng kanilang Cristy Ferminute.

Kinakailangan na raw itong gawin dahil sabi nga umano ni Kris, oras na lamang ang kalaban niya. Masaya si Cristy na finally ay nasa Amerika na nga ang TV host-actress para sa gamutan nito.

Si Kris lamang daw ang maaaring magdetalye tungkol dito at hintayin na lamang ang kaniyang update kung sino nga bang may mabuting pusong kaibigan o kakilala ang nagpahiram sa kaniya ng private jet plane patungong Amerika.

Ang huling update ni Kris sa kaniyang kalusugan ay noong Hunyo 3. Dito ay idinetalye niya ang tunay na sakit niya.