Matapos ang pagpapahayag ni outgoing Quezon City District 4 Councilor Ivy Lagman na balak niyang maghain ng isang resolusyong nagdedeklara bilang 'persona non grata' kina Kapuso comedy actress Ai Ai Delas Alas, VinCentiment director Darry Yap, at iba pang mga may kinalaman sa likod umano ng pambabastos sa Quezon City triangular seal, sa lumabas na campaign material para kay mayoral candidate at Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor, ay natuluyan na ito nitong Martes, Hunyo 7.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/07/ai-ai-delas-alas-darryl-yap-at-iba-pa-ipinapadeklarang-persona-non-grata-sa-qc/">https://balita.net.ph/2022/06/07/ai-ai-delas-alas-darryl-yap-at-iba-pa-ipinapadeklarang-persona-non-grata-sa-qc/

Sa naturang parody campaign video, makikita ang pagganap ni Ai Ai bilang si Mayor Ligaya Delmonte. Sa likod ng background ay makikita ang QC triangular seal na may nakalagay na 'BBM-Sara'. Sina Delas Alas, Yap, at Defensor ay pawang mga tagasuporta ng UniTeam na pinangungunahan nina President-elect Bongbong Marcos, Jr. at Vice President-elect Sara Duterte.

"I am calling all the content creators, especially Mr. Darryl Yap and Ms. Ai-Ai delas Alas, and many others who were part of this project, to apologize to the citizens of Quezon City for debasing and bastardizing the beloved seal of Quezon City," pahayag ni Lagman sa kaniyang privilege speech sa 94th Regular Session ng 21st City Council.

Tsika at Intriga

'Pati aso dinamay!' Nananahimik na si Daniel, nakaladkad dahil kay Anthony

"It is a great disrespect and disregard of the laws of our land to superimpose the said seal just to campaign for a politician… I reiterate our call for these people, Mr. Darryl Yap, Ms. Ai Ai Delas Alas, Cong. Mike Defensor and his cohorts, to apologize to the citizens of Quezon City for their actions, and also promise to never do such acts again," dagdag pa niya.

Samantala, ibinahagi naman ni Darryl Yap sa kaniyang Facebook account ang tungkol sa balitang ito, na naiulat ng isang news site.

"Yoko nga," simpleng caption niya.

Wala pang reaksiyon si Ai Ai tungkol dito ngunit nag-post siya sa kaniyang TikTok video entry sa kaniyang Instagram account nitong Hunyo 8. Wala naman siyang pahiwatig tungkol sa isyung kinasasangkutan niya ngayon sa Pilipinas.

"Bakit ako lumapit??? Hindi ko marinig ang music haha… laban lang sa lamig pero mas bumilib ako sa mga tao sa likod ko sa baba nagsi-swimming sa gabing napakalamig, pero ang ganda sa video no… actually pati sa picture maganda siya," ayon sa kaniyang caption.

Isang netizen naman ang nagkomento, "Unbothered ang idol ko sa mga bitter."

Nitong Hunyo 7 nga ay inaprubahan ng Quezon City Council ang pagdedeklarang 'persona non grata' sa dalawang personalidad.

"The malicious and unscrupulous defacing of the official seal of Quezon City ridiculed and casted dishonor to it, causing insult to the noble representation of the seal,” ani Lagman sa isang pahayag.

“The people of Quezon City will not let anyone disgrace the official seal of Quezon City for personal and selfish interests.”

Iginiit din niya na “seal has been the official coat of arms of the city since it was approved by the Office of the President and adopted by the City Council on Feb. 3, 1997 through Resolution No. 10320, S-1975.”