Sunod-sunod ang mga makahulugang social media post ng kontrobersiyal na Kapuso actor na si Tom Rodriguez, na ipinagpapalagay ng mga netizen na nagpapahiwatig tungkol sa pinagdaraanan ng relasyon nila ngayon ng misis na si Kapuso actress Carla Abellana.

Umugong ang bali-balitang inaasikaso na raw ni Carla ang annulment nila, kasabay nito, nag-post naman sa kaniyang Instagram story si Tom ng isang litrato ng dalawang kamay na tila nakawala na sa posas.

Matapos nito, nag-post naman siya ng litrato ng mushroom cloud at may caption itong tula na pinamagatang 'Mutually Assured'.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

Screengrab mula sa IG/Tom Rodriguez

Naging maagap naman ang mga tagahanga at nagtanong kay Tom.

"Why not tell the whole truth now? Why wait?”

"Gag order… Ask THEM why," tugon naman ng aktor.

Hindi naman tinukoy ni Tom kung sino-sino ang 'Them' na sinabi niya.

Nag-post din ang aktor ng litrato ng isang lalaki na may tapal na plaster ang bibig, na tila pahiwatig daw na may nagbabawal sa kaniyang magsalita at ipaliwanag ang panig niya.

Screengrab mula sa IG/Tom Rodriguez

Isang netizen ang nagtanong sa kaniya, "Why did you hurt @carlaangeline?”

"There’s way more to the story… and plenty of hurt going around for everyone. Baka magulat po kayong lahat pag lumabas na lahat-lahat," tugon ng aktor.

"Hopefully, you will fight for Angeline. Ipaglaban mo sya paps. dahil mahal ka nun. believe me," komento naman ng isa pang netizen.

Pambabasag naman ng aktor, "Not true. And you all know a tiny fraction of an entire story. But one day, the whole TRUTH will prevail."

Screengrab mula sa IG/Tom Rodriguez

Burado na ang mga cryptic IG posts ni Tom.

Sa ngayon ay wala pang update tungkol sa napapabalitang proseso ng annulment ng Kapuso couple.

Ikinasal sina Tom at Carla noong Oktubre 2021, matapos ang halos pitong taong relasyon bilang magkasintahan.

Pagpasok ng 2022, napabalita na ang kanilang hindi pagkakaunawaan, hanggang sa nauwi na nga raw sa hiwalayan ang kanilang relasyon. Palaisipan pa rin sa mga netizen kung ano ba talaga ang dahilan, bagama't pinagpiyestahan na ito sa umpukan ng mga Marites gayundin ng mga showbiz columnist.

Sa kabila nito, ni isa kina Carla at Tom ay waley sey sa mga ganap na ito.