Matapos ang kaniyang kinagiliwang closing spiel sa 'Chika Minute' segment ng 24 Oras, isang araw makalipas nito ay nagsilang na nga ulit ng kanilang baby number 4 ni Drew Arellano, ang TV host-actress na si Iya Villania noong Sabado, Hunyo 4.

Ibinahagi ni Drew sa kaniyang Instagram account ang unang litrato ni baby number 4 na papangalan nilang 'Astro Phoenix'.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/04/iya-villania-ipinanganak-na-ang-baby-number-4/">https://balita.net.ph/2022/06/04/iya-villania-ipinanganak-na-ang-baby-number-4/

Si Iya naman ay may rebelasyones tungkol sa kaniyang panganganak ngayon. Aniya, ito raw ang pinakamatagal at pinakamasakit na panganganak niya, ngunit pinaka-espesyal.

Tsika at Intriga

Habang si Maris namundok: Anthony, pumarty kasama ang Incognito stars

"My longest and most painful delivery but also the most special because I was praying for strength and courage EVERY SINGLE DAY hoping to get thru an unmedicated birth to wrap up this journey (yes guys, I believe this is the last!)," sey ni Iya sa kaniyang Instagram post noong Hunyo 4.

Kalakip nito ang mga pasilip na litrato sa kanilang baby.

"I was at 6cm and giving up when I asked for the drugs when all of a sudden God flipped a switch and I delivered 30-40mins after!!!"

"He knew the desires of my heart and He opened my cervix up before the drugs came."

"What an experience. Thank you Lord!"

Makikita naman sa isa sa mga litrato na nakaalalay sa kaniya ang mister na si Drew.

Ang iba pang mga junakis ng mag-asawa ay sina Antonio Primo (2016), Alonzo Leon (2018), at Alana Lauren (2020). Kapansin-pansing kada dalawang taon ay nagbubuntis si Iya, huh!

Una nilang ibinalita ang good news tungkol sa kanilang panibagong anghel sa pamilya noong Enero 3, 2022.

"It’s another… See you in June!!!" sey ni Iya sa caption ng kaniyang Instagram post.