Ibinalandra muli sa social media ang angking alindog ni Barbie Imperial na ngayon ay nasa Legazpi, Albay. Talaga namang mapapa-wow ang sino mang makakakita.

Ibinahagi niya ang mga larawan sa kanyang Instagram na umani ng paghanga sa kanyang mga followers.

Suot ang white bikini ay kita ang mala-porselanang nakakasilaw sa sikat ng araw sa umaga ang awrahan ni Barbie. Sa kaniyang caption nakasaad, "Top of the morning." In fairness fresh na fresh ang beauty ng aktres at kita ito sa kanyang mga larawan. Sa ganda ng background ng bulkan, hindi nagpakabog si Barbie dahil kita rin naman sa kanyang pasabog na ganda at kaseksihan.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Award ang mga naging komento ng mga netizens. Ang sabi ng isa, "Yan ganyan, move on. See, still you are so hot and sexy."

Hirit naman ng isa pa, "Tag-ulan Bie, pero pinapainit mo pa rin."

Ang matinding pakli ng isa, "@diegoloyzaga sya pala yung sinayang mu (peace)."

Para sa kaalaman ng karamihan nasa Albay si Barbie dahil may movie project siya na kasama si Carlo Aquino.

Samantala, join na rin sa pagba-vlog si Barbie, katunayan ang unang content ng vlog niya ay i-rate ang mga naging karelasyon niya o naka-date at tungkol din sa mga male celebrities kung kanya bang jojowain o totropahin.

Inilahad dito ni Barbie na aniya sa mga naging dyowa raw niya tanging si Diego Loyzaga ang sobrang minahal niya. Kaya naman binigyan niya ito ng rate na 4 1/2 stars na siyang pinakamataas na rate. Giit niya, minahal niya si Diego for character development.

Binigyan naman niya ng pinakamababang rate na 3 stars ang dating bf na si Paul Salas. Aminado ang aktres na first intense heartbreak niya si Paul. Never naman daw niyang naging boyfriend si JM de Guzman pero nag-date raw sila noon. Yun na! (Dante A. Lagana)