Ang haba-haba talaga ng hair nitong si Brenda Mage dahil ibinida niyang may bago na siyang non-showbiz jowa, kasabay ng pagbubukas ng pagdiriwang ng 'Happy Pride Month' ngayong Hunyo.

Winner na winner talaga ang 'Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10' 5th Big Placer, dahil bukod sa natanggap na premyo sa reality show kahit na-elbow na siya rito dati, eh biniyayaan pa siya ng cutie pie boylet.

Ipinakilala niya ang kaniyang bagong jowa na si Gio Sta. Ana, na naninirahan sa Sta. Cruz, Laguna.

"MAY JOWA NA AKO ULIT HAHA!" sey ni Brenda sa kaniyang Facebook post.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Wala naman kasiguraduhan kung magtatagal kayo.. ang importante totoo ang nararamdaman nyo. kahit isa dalawa tatlong linggo o buwan lang ito (rainbow emoji),” pahayag pa ni Brenda.

Gio Sta. Ana at Brenda Mage (Larawan mula sa FB)

Ibinida rin ni Brenda sa kaniyang YouTube channel na dumalaw na siya sa pamilya nito at naipakilala na sa kanila.

Nitong Hunyo 5 ay tila naligo sa falls ang mag-jowa at kanilang mga kaibigan. Makikitang karga-karga ni Brenda ang jowa.

"I-ayon sa mukha ang pag iinarte!"

“Wag na lang kung di n'yo kaya ng ganito! Mars Ellen Adarna entry n'yo ni Pareng Derek! Hahahahaha,” biro ni Brenda.

Nitong Hunyo 6 naman, ibinida ni Brenda ang pulumpon ng mga bulaklak na aniya ay bigay sa kaniya ni Gio.

Bagama't marami ang napa-sana all kay Brenda at nagpaabot ng pagbati rito, marami rin ang nagsabing baka pineperahan lamang siya ng lalaki.

"Sey niya, Anu ngayon kung pera lang habol sakin ng lalaki at niloloko lang ako! Big deal? Yung magaganda at pogi nga naglolokohan eh anu pa ganitong mukha ahaha anu to Para sa inyo lang Valid ang Feelings hahahaha Taas ang kamay sa mga di gumagastos sa Jowa yung malinis ang Relasyon ahahaha HAPPY?"

May be a closeup of 1 person
Larawan mula sa FB/Brenda Mage