Ibinida ng celebrity couple na sina Andrea Brillantes at Ricci Rivero ang pamamasura nila sa pinuntahang beach sa Siargao bilang pakikiisa sa kanilang clean up drive.

Nasa Siargao ang mag-jowa para sa pagdiriwang umano ng kaarawan ni Ricci, na 24 anyos na.

"Be part of the solution not part of the pollution," ani Andrea sa kaniyang Instagram post noong Hunyo 3.

Mga samo't saring mga basura umano ang nadampot nila gaya ng plastic bottles, plastic cups, bags, at mga balat ng mga pinagkainang junk foods. Mga nasa 15 bags daw ang nakalap nila.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

"15 bags of plastic waste C O L L E C T E D and ready to be recycled, that’s 15 bags of plastic bottles, cups, bags, and etc. that will no longer harm marine life."

Kaya hikayat niya sa mga magtutungong turista sa Siargao, "Sana if mag-visit kayo dito sa Siargao or sa any island eh mag- participate din kayo sa clean up drives."

Bagama't maraming netizen ang pumuri sa mag-jowa, may mga nang-okray at nambatikos din. Ginagawa lang daw ito ng magkasintahan para magka-content sa socmed o mapag-usapan.

Matatandaang nag-viral din ang pambe-baby talk ni Andrea habang bumibili sa isang tindahan sa naturang isla.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/29/ricci-at-andrea-pinagkaguluhan-sa-siargao-andrea-nagpabebe-habang-bumibili-sa-tindahan/">https://balita.net.ph/2022/05/29/ricci-at-andrea-pinagkaguluhan-sa-siargao-andrea-nagpabebe-habang-bumibili-sa-tindahan/

May sagot din si Andrea hinggil sa online bashing.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/06/andrea-brillantes-sa-online-bashing-maraming-tao-na-di-ka-maiintindihan/">https://balita.net.ph/2022/06/06/andrea-brillantes-sa-online-bashing-maraming-tao-na-di-ka-maiintindihan/