Hindi lamang mga 'It's Showtime' hosts ang nasorpresa sa pagbabalik ni Jhong Hilario sa noontime show kundi maging ang mga madlang pipol, sa Saturday episode nito, Hunyo 4.

Nagpanggap na kalahok ng 'Tawag ng Tanghalan' si Jhong kaya hindi siya napansin ng mga host; saka na lamang siya napansin nang nagtanggal na siya ng kaniyang salamin at unti-unti nang nakilala ng mga host, lalo na ni Vice Ganda na napaiyak na lamang.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/04/jhong-hilario-nagpanggap-na-contestant-sa-pagbabalik-sa-its-showtime-vice-at-anne-emosyonal/">https://balita.net.ph/2022/06/04/jhong-hilario-nagpanggap-na-contestant-sa-pagbabalik-sa-its-showtime-vice-at-anne-emosyonal/

Tila baby steps naman daw ang pagbabalik ni Jhong sa noontime show, kagaya ni Anne Curtis na nakabalik na rin noong nakaraang Sabado. Trending pa nga ang repeat performance niya ng 'Break Free' ni Ariana Grand, gayundin ang kaniyang 'taray face' sa isang Showtime Sexy Babe contestant.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa kaniyang Facebook post ngayong Linggo, Hunyo 5, ay masayang ibinahagi ni Meme Vice ang ilan sa mga kuhang litrato nila ni Jhong Hilario at kaniyang pag-iyak. Masayang-masaya siya sa pagbabalik ni Jhong at Anne; pakiramdam daw niya, isa siyang magulang na muling binalikan ng mga nawalay na anak.

"Answered prayer! Yung feeling na para kong isang magulang na muling inuwian ng mga anak nyang matagal na nawalay sa kanya. It sounds OA pero yun talaga yung naramdaman. I love you guys!" ani Vice.

Hindi pa malinaw kung tuluyan na bang babalik sa hosting si Jhong matapos ang sorpresang pagbulaga. Matatandaang noong 2020 ay pansamantalang umalis si Jhong sa noontime show nang manganak ang kaniyang misis. Natakot siya sa kalusugan ng kaniyang anak kaya hindi muna siya pumasok doon upang hindi makapag-uwi ng virus sa bahay.