Kahit pa wagwagin ang buhok ni Anne Curtis, kapansin-pansin pa rin ang ganda ng 37-anyos na celebrity mom.

Unti-unti nang bumabalik ang dating kulitan at kuwelang banter ng It’s Showtime hosts sa pagbabalik ni Anne Curtis at ni Jhong Hilario kamakailan.

Tila isang bagay naman ang na-realize ni Meme Vice matapos ma-elbow siya ng kadyosahan ni Anne sa kamakailang episode ng noontime show.

Habang kinakapanayam ang isang “Showtime Sexy Babe” weekly finalist, makikitang winawagwag ni Meme ang kanyang buhok, bagay na pinuri ng kapwa hosts na maganda umano ang epekto s akanyang buhok.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Ang ganda ng hair,” komento ni Kim.

“Uy, gumanda ha,” napansin din ni Jugs.

Ang pagwawagwag sa kanyang buhok ani Meme ay rekomendasyon ng kanyang hair stylist para mapanatili ang ganda nito.

“Hindi lahat ng nag-ga-ganyan ng buhok, pume-perfect oh, gawin mo nga Anne,” paghamon ni Vice na agad namang ginawa ni Anne.

Kahit dalawang beses na intensyonal na iwinagwag ang kanyang buhok, lutang na lutang pa rin ang kadyosahan ng celebrity mom.

Sunod na biniro ni Meme ang co-host. “’Wag ka nang babalik dito,” biro ni Meme kay Anne na tinawanan ng mga hosts.

“Ang ganda mo hindi nakaka-empower ng ibang tao. Tumaas ‘yung insecurity ko. Akala ko empowered ako. Nawala yung confidence ko sayo,” pabiro pa ring sabi ni Vice.

Sunod na isiningit ni Vhong kung paanong pinagkakaguluhan si Vice tuwing Lunes, araw na wala si Anne sa noontime show.

Matatandaang tuwing Sabado muna makakasama ng programa si Anne bilang bahagi ng kanyang adjustment period.

“’Pag Sabado, ‘Hi, Miss Anne,’" ani Vice na reaksyon umano ng mga Sexy Babe contestants.

“’Di ka nila pinapansin?” hirit ni Vhong.

“Lagnatin ka sana tuwing Biyernes,” pagpapatuloy na biro ni Meme.

‘Wag, concert niya na Sabado eh,” sabi ni Vhong.

Bahagi ng kanyang comeback, nakatakdang magtanghal sa Resorts World Manila si Aning sa susunod na Sabado, Hunyo 11.

Noong nakaraang Sabado, Mayo 27, nang bumalik si Anne sa It’s Showtime matapos ang mahigit dalawang taong hiatus sa showbiz.

Basahin: Anne Curtis, opisyal nang magbabalik sa ‘It’s Showtime’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang 36-anyos na host ay first-time mom sa 2 taong-gulang na si Dhalia.