Matapos mapabalitang siya ang napipisil na gaganap bilang dating First Lady Imelda Marcos, ibinahagi ni beauty queen-turned-actress Ruffa Gutierrez ang mga lumang litrato nila ng ina nina President-elect Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr. at Senadora Imee Marcos.

"Through the years with the one and only, Madame Imelda Romualdez Marcos," ani Ruffa sa kaniyang caption sa Instagram post nitong Hunyo 4.

View this post on Instagram

A post shared by RUFFA GUTIERREZ (@iloveruffag)

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Kasama sa mga ibinahagi niyang litrato ang ibinahagi naman ng magiging direktor ng 'Maid in Malacañang' na si Direk Darryl Yap.

Nagpaabot naman kaagad ng pagbati ang ilan sa mga celebrity, kabilang ang kapatid na si Raymond Gutierrez.

"Congrats on the new role!!!" saad ni Raymond.

Mukhang kasama rin sa proyektong ito si Juliana Parizcova Segovia. "See you soon my Queen. Congrats in advance."

Ilan pa sa mga nagpaabot ng pagbati ang kaniyang anak na si Venice Bektas, kapwa beauty queen na si Bianca Manalo, model-TV host Phoemela Baranda, at dating aktres na si Christina Gonzalez-Romualdez.

Layunin ng pelikula na maipakita ang 72 hours na mga kaganapan sa loob ng Palasyo bago ang EDSA People Power Revolution I na nakapagpababa sa puwesto kay dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. na siyang ama ni President-elect Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr, at Senadora Imee.

Ayon sa direktor ng Len-Len series, The Exorcism of Len-Len Rose, at Baby M, hindi ito historical revisionism kundi TOSOT o 'The Other Side of the Story'.

Anyway, sabi ng direktor ay may final casting na raw sa Hunyo 3. Ngayong Hunyo 4, nagbigay ng pasilip ang direktor sa nagaganap na pagpupulong nila ng Viva bosses, at nakita sa litrato ang pangalan ni Ruffa G bilang Imelda Marcos.

Hindi pa ibinubunyag kung sino naman ang gaganap na yumaong Ferdinand Marcos at iba pa niyang kapamilya, gayundin ang 'Maid in Malacañang'.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/04/ruffa-gutierrez-gaganap-na-imelda-marcos-sa-pelikulang-maid-in-malacanang/">https://balita.net.ph/2022/06/04/ruffa-gutierrez-gaganap-na-imelda-marcos-sa-pelikulang-maid-in-malacananga>

Samantala, ang sinuportahan naman ng pamilya Gutierrez sa pagkapangulo noong nakaraang eleksyon ay si Senador Manny Pacquiao.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/06/ruffa-gutierrez-inalala-ang-boxing-record-ni-pacquiao-in-full-force-ang-magulang-para-sa-senador/">https://balita.net.ph/2022/05/06/ruffa-gutierrez-inalala-ang-boxing-record-ni-pacquiao-in-full-force-ang-magulang-para-sa-senador/