Ibinahagi ni Tingog party-list nominee at 'Magandang Buhay' host na si Karla Estrada ang pakikipag-bonding niya sa Gonzaga family, na kinabibilangan nina Toni Gonzaga, Alex Gonzaga, at ang mga magulang nilang sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy, sa kaniyang Instagram post noong Hunyo 2.

"Isang magandang gabi na puno ng tawanan with the Gonzaga family," caption ni Momshie Karla.

"Natuloy din! Thank you for tonight."

'Sarap sa pakiramdam!' Kiray mahal na mahal, never niloko ng jowa

Kapansin-pansin namang naka-limited lamang ang maaaring magkomento rito. Sa comment section, nag-react dito sina Mariel Rodriguez at Vina Morales.

Sina Toni at Karla ay parehong tagasuporta at performer sa mga naganap na campaign rallies ng UniTeam, ang partido nina President-elect Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr. at Vice President-elect Sara Duterte.

Pareho rin silang na-cancel sa social media dahil dito.

Nag-post naman si Karla ng larawan nila ni Toni sa kasagsagan ng kampanya, na may caption na 'One vote, our choice!'

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/08/karla-at-toni-magkasamang-nagpa-picture-one-vote-our-choice/">https://balita.net.ph/2022/03/08/karla-at-toni-magkasamang-nagpa-picture-one-vote-our-choice/

Anyway, wala pang update si Momshie Karla kung kailan siya babalik, o babalik pa ba, sa kanilang morning talk show nina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros.

Dahil third nominee, hindi makakaupo sa puwesto si Karla kahit nanalo ang Tingog dahil hanggang second seat lang ang kinuha.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/29/momshie-karla-nagpasalamat-sa-mga-bumoto-sa-tingog-party-list-pero-hindi-makapupuwesto/">https://balita.net.ph/2022/05/29/momshie-karla-nagpasalamat-sa-mga-bumoto-sa-tingog-party-list-pero-hindi-makapupuwesto/