Halos sunod-sunod ang balita ng hiwalayan sa mga celebrity couple at isa na riyan sina Beks Batallion comedian Chad Kinis at ang modelo at negosyanteng si Nikko Alano Chua.

Sa rebelasyon ni Chad sa naging panayam sa kaniya ni Ogie Diaz sa kaniyang vlog, wala umanong pinagsisisihan ang komedyante sa pakikipaghiwalay sa recent ex-boyfriend, na bagama't walang binanggit na pangalan, ay mahihinuhang si Nikko.

Inamin ni Chad na hindi sila nagtapos na magkaibigan ng dating jowa.

“Hindi ko panghihinayangan ‘yung isang tao na alam mong naging totoo ka. Pero all these time, iniiputan ka lang. Kasi it all happen again,” sey ni Chad.

Elijah Canlas, emosyonal na inalala yumaong kapatid sa concert ni Olivia Rodrigo

Paulit-ulit na umanong nangyari ang ganito sa kaniya kaya naman sanay na siya at madali na lamang para sa kaniya ang makapag-move on.

May parinig din si Chad sa kaniyang 'Road to Hipon vlog'.

“Kaya nga pala ako nagpapaganda ng katawan para hindi tayo ipinagpapalit sa mga lalaking magaganda rin ang katawan,” biro ni Chad. Bagama't wala namang binanggit talaga kung sino ang pinariringgan niya, marami sa mga netizen ang nagbigay ng espekulasyong baka si Nikko Chua ito, dahil siya umano ang recent ex ni Chad.

Unang maghinala ang kanilang followers na may pinagdaraanan ang relasyon ng dalawa, nang nagpaliwanag si Chad na nagkasundo silang dalawa na hindi muna magiging madalas ang kanilang pagkikita dahil gusto ni Nikko na ibuhos ang panahon at atensiyon niya sa pag-aalaga sa inang may sakit.

Ngunit sabi nga, walang lihim na di nabubunyag, lumitaw rin ang katotohanang hiwalay na ang dalawa.

Nitong Hunyo 3 ay pumalag naman si Nikko sa mga natatanggap na pambabatikos dahil sa rebelasyon ni Chad Kinis tungkol sa kanilang hiwalayan.

Umapela siya sa publiko na huwag makisawsaw sa kanilang problema.

"Umuulan ng mga bashers ngayon! #RESPECT 🧡," aniya.

"Let me speak for myself & stop this rumors & issues. Stop adding fuel to the fire so it won’t burn anything that’s left on us.

For those peeps who are making judgement about me & for those who are creating their own stories because of the issue today, please be & act like a human yourselves."

"Don’t make accusations & judgements based on what y’all heard from other people. Are y’all perfect? Before saying something make sure po na nakakatulong po kayo sa family ninyo & other people. Make sure that never po kayo nag-kamali & nag-commit ng mistakes."

"I loved her truly, minahal ko siya nang sobra & I became very proud. That’s why ipinagsigawan ko siya sa buong mundo, because I fell in-loved. Also because sa kabutihang-loob niya and I bet all of you already know that."

"For the issue & rumors that are spreading right now, we have our own lives to live & problems to handle & fix. Meddle with your own chaos & don’t interfere with mine. Learn from my words, I am telling y’all. Instead of being a keyboard warrior & talking nonsense about me think of a way on how will y’all handle what’s on your plate."

"Bet everything on your hands right now were too much due to y’all are messing with me & mas iniintindi ninyo ako. Stretch those bones, move those muscles hindi puro spill the tea."

"Every story has their own different sides. Judgement will be based on how you will look at it. Almost all of you that are talking about me doesn’t even know me well. None of y’all know me. So neither of you really know who I am. None of you have an idea. It’s either I am a good person or a bad person."

“Napakaigsi po ng buhay, hindi po natin alam kung hanggang kailan po tayo sa mundong ito. Let us all be filled with love, kindness & positivity. Stay humble. It’s better to love, help & take care of your parents & family."

Sa kabuuan ng post ay walang komento si Nikko tungkol sa pabirong parinig ng ex sa vlog na ipinagpalit ito sa lalaking mas maganda ang pangangatawan.

Matatandaang napa-sana all ang publiko nang una nilang ilabas ang kanilang relasyon noong Hunyo 2021.

Sabi ni Chad sa panayam din ni Ogie, nais niyang ipakita sa publiko na kung ang isang kagaya niya ay may nagmahal na katipo ni Nikko, hindi rin imposible sa iba.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/09/14/chad-kinis-hinggil-sa-kaniyang-lovelife-hindi-ka-dapat-mainggit/">https://balita.net.ph/2021/09/14/chad-kinis-hinggil-sa-kaniyang-lovelife-hindi-ka-dapat-mainggit/

Nagsunod-sunod na ang pagpapalitan nila ng sweet messages sa isa't isa. Kinakiligan naman ng mga netizen ang sweet monthsary posts ni Nikko kay Chad.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/12/haba-ng-hair-chad-kinis-lumambitin-sa-jowang-si-nikko-chua-happy-9th-babe/">https://balita.net.ph/2022/03/12/haba-ng-hair-chad-kinis-lumambitin-sa-jowang-si-nikko-chua-happy-9th-babe/

Basahin: https://balita.net.ph/2021/10/21/nikko-chua-sa-jowang-si-chad-kinis-you-will-always-be-the-recipient-of-my-letters-i-love-you-babe/">https://balita.net.ph/2021/10/21/nikko-chua-sa-jowang-si-chad-kinis-you-will-always-be-the-recipient-of-my-letters-i-love-you-babe/