Viral ngayon ang bahagi ng isang It’s Showtime episode kung saan makikitang sumegwey si Vice Ganda at kinanta nito ang sikat na political jingle ni Andrew E.

Sa episode ng noontime show noong Martes, May 31, habang kinakapanayam ng It’s Showtime hosts ang isang “Tawag ng Tanghalan” daily contender ay napansin ni Meme Vice ang suot nitong leather jacket, na aniya’y intensyonal para bagayan ang kantang “Nosi Balasi.”

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Nauna ritong napansin at pinuri ni Meme ang kayumangging kulay ng balat ng contestant na aniya’y “Pinay na Pinay.”

“Kasi nga Nosi Balasi kaya i-leather niya tayo with pearls at saka boots,” ani Vice sa contestant na si Lea Librea.

“Boots with a fur,” sunod na segue ni meme hango sa 2007 Florida feat. T-Pain hit na “Low.”

Kinagat agad naman ito ni Kim na dinugtungan pa ang kanta.

“And the whole club was looking at her. She hit the floor. Next thing you know. Shawty got low, low, low, low, low, low, low, low,” sabay-sabay na kanta at pagsayaw nina Kim, Vhong at Meme Vice.

Dahil tila nagkakatunog ang beat ng kanta, naisingit naman ni Meme ang sikat na “Bagong Pilipinas, Bagong Mukha” na kilalang binigyang-buhay ni Andrew E. para sa kampanya ng UniTeam nina ngayo'y President-elect Bongbong Marcos Jr. at Vice President-elect Inday Sara Duterte noong nakaraang eleksyon.

“Dun lang tayo sa apple bottom jeans,” ani Kim matapos bumungisngis at mapasigaw sa segue ni Vice Ganda.

“Uy sikat na sikat ‘yun, viral ‘yung kantang yun,” sabi pa ni Meme habang aktong ginagaya si Andrew E.

Agad na nag-viral ang video sa Tiktok at Facebook na kinaaliwan ng netizens.

“HAHAHA nakakatawa, I mean, tapos na eleksyon eh so parang parte na sya ng humor nila hahaha,” komento ng isang netizen sa viral Tiktok video.

“Pwede na kantahin kase tapos na election.”

“GOOD VIBESSSS! AHHAHAHAHAHAHAHAHAH”

"Infairnesssssss ang cute ni kim don hahahhaa"

"HAHAHAHAH CUTE NI KIM"

Kasalukuyan nang tumabo ng mahigit 360,000 views ang naturang Tiktok video.