Maugong ang usap-usapang may negosasyon daw na magaganap sa pagitan ng mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli kasama ang kanilang manager na si Vic Del Rosario, sa mga bosing ng GMA Network.

Si Matteo umano ang napa-blind item na may pini-pitch na programa sa isang network, at napamulagat daw ang mata ng mga taga-roon sa laki ng budget ng programang ito.

Anyway, napag-usapan din iyan sa entertainment vlog ni Cristy Fermin na 'Showbiz Now Na' kasama ang mga co-host na sina Romel Chika at Morly Alinio.

Ani Romel, siyempre daw ay kailangan ding kumayod ng dalawa kung wala raw naibibigay na proyekto ang ABS-CBN sa kanila. Naibahagi rin niya na ang concert nito ay mapapanood sa Pinoy TV ng GMA-7 kaya kataka-taka na hindi sa TFC o The Filipino Channel ng Kapamilya Network ito mapapanood.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Sey naman ni Morly, sa true lang daw ay sa ABS-CBN sumikat nang husto si Sarah, hindi lamang bilang A-list singer kundi bilang isang artista. Pumatok sa takilya ang mga pelikula niya sa ilalim ng Star Cinema matapos makatambal sina John Lloyd Cruz at Piolo Pascual.

Lagi ring inaabangan ang mga performance niya sa musical variety show na ASAP Natin 'To. Isa rin siya sa mga coach ng 'The Voice of the Philippines'.

Tanong tuloy ng mga netizen, ang isyu nga ba ng paglipat ang naging dahilan kung bakit tumanggi itong maging judge sa season 2 ng 'Idol Philippines', na nagpa-back out naman kay Vice Ganda, na naging dahilan naman upang maipasok si Chito Miranda ng Parokya ni Edgar?

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/25/sarah-geronimo-hindi-natuloy-bilang-hurado-ng-idol-ph-vice-ganda-umayaw-na-rin/">https://balita.net.ph/2022/05/25/sarah-geronimo-hindi-natuloy-bilang-hurado-ng-idol-ph-vice-ganda-umayaw-na-rin/

Kamakailan lamang ay masayang ibinahagi ni Sarah na isa na siyang pastry chef.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/03/chef-sarah-sarah-geronimo-isa-nang-pastry-chef/">https://balita.net.ph/2022/06/03/chef-sarah-sarah-geronimo-isa-nang-pastry-chef/

Wala pang tugon, reaksiyon, o kumpirmasyon sina Sarah at Matteo tungkol dito.