Ibinalandra ng negosyanteng si Neri Miranda sa social media ang kanilang bagong bahay sa Baguio City. Tinawag niya itong "The HillSide House."

Ibinahagi ito ni Neri ang isang larawan sa kaniyang Instagram kung saan makikita siyang nakatayo sa labas ng bagong bahay. Ayon kay Neri, isa ito sa mga dahilan kung bakit sila pabalik-balik sa Baguio.

View this post on Instagram

A post shared by Neri Miranda (@mrsnerimiranda)

Probinsya

Nasa 4,000 mga labi, apektado ng konstruksyon sa isang sementeryo sa Cebu

"Finally, may bahay na kami sa Baguio! The HillSide House," saad niya.

"For 24 years, nangungupahan lang kami. Walang masasabing ancestral house kahit maliit, kahit nasa probinsya. Kaya palagi akong nagsusumikap kasama ng asawa ko, na makapag ipon para makabili ng mga bahay para sa mga anak namin," dagdag pa niya.

Naging inspirasyon ni Neri ang naranasang hirap noong bata pa siya kaya't nagsumikap siya para hindi maranasan ng kanilang anak ni Chito Miranda ang kahirapan nila noon.

"Ang pagiging mahirap namin nung bata, ako hanggang sa paglaki, ay naging inspirasyon ko para mas magsumikap sa buhay at nang hindi maranasan ng aming mga anak ang kahirapan namin noon."

Excited na rin daw siya maayusan ang kanilang bahay at sana raw ay doon sila makapag-celebrate ng Pasko at Bagong Taon.

"Syempre, alam nyo na... pwedeng i-rent din kapag di namin ginagamit. Baka next year, pwede na. Business pa rin syempre, hihi!" sey pa niya na talaga namang businessminded pa rin.

Si Neri ay nakapagtapos ng Business Administration sa University of Baguio at nagbukas na rin ng bagong restaurant na Lime and Basil Baguio.