Kinagiliwan ng netizens ang kamakailang Facebook post ng Kapamilya singer na si Klarisse De Guzman matapos may aminin ang kanyang food delivery rider sa mismong food application.

Kinailangan magsinungaling ng Kapamilya diva sa palitan nila ng mensahe ng isang food delivery rider ng Grab nang tanungin ng rider kung siya nga ba ang kilalang singer.

Sa ibinahaging screenshot ng usapan nila ng kanyang food delivery rider, makikitang unang nagpaalala si Klang ng dagdag na instruction nito sa kanyang inorder na pagkain.

"Ma’am, kayo po ba yung singer," usisa ng rider.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Hindi po kapangalan lang kuya,” sadyang pagsisinungaling na sagot ni Klarisse.

Dito sunod na walang ano-anong umamin na si kuyang rider kay Klang.

“Crush ko po kasi,” pag-amin ng Grab Food rider sa singer.

Larawan mula Facebook post ni Klarisse De Guzman

Kinagiliwan ng netizens ang Facebook post ni Klang na agad umani ng mahigit isang libong “haha” reactions.

Tila nasa food app pa nga yata mahahanap ang "forever," biro ng ilan!