Tila nadawit pa ang mag-asawang Vice Ganda at Ion Perez kasunod ng pinag-usapang hiwalayan ng kapwa celebrity couple na sina Moira Dela Torre at Jason Hernandez kamakailan.

Maraming netizen ngayon ang apektado pa rin sa hiwalayan nina Moira at Jason kung saan naging bahagi ang publiko sa kanilang makulay na relasyon bago ikinasal noong 2019.

Basahin: Jason, inaming naging ‘unfaithful’ kay Moira; celebrity couple, hiwalay na – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Samantala, hindi rin maiwasan ang patuloy na espekulasyon ukol sa tunay na dahilan ng kanilang pagtatapos sa kabila ng pag-amin ni Jason sa kanyang hindi pagiging “unfaithful” kay Moira.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Hindi naman nakaligtas maging ang ilang celebrity couples at nadawit pa nga sa ilang unsolicited comments ng netizens kabilang na ang Kapamilya real-life couple na sina Luis Manzano at Jessi Mendiola kamakailan.

Basahin: Luis, pinagtripan, isinama sa memes ng mga groom na naiyak sa kasal pero nakipaghiwalay; Jessy, pumalag – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Nitong Biyernes, hindi rin nakaligtas ang Unkabogable Star na si Vice Ganda at maging ang kanilang relasyon ni Ion ay nakaladkad na rin ng ilang mapanghusgang netizen.

Pagpapakahulugan kasi ng isang netizen sa Twitter, mababaw at pera lang ang dahilan ng pananatili ni Ion sa piling ni Vice Ganda.

“Kung si Moira nga iniwan at niloko, si Vice Ganda pa kaya. Watch. Money, money,” tweet ng isang netizen, Biyernes.

Agad naman tinugunan ito ni Vice.

“Sayang yung ibang relasyon no ‘di nagtatagal. Buti pa yung inggit sa puso mo panghabang-buhay,” anang It’s Showtime host.

https://twitter.com/vicegandako/status/1532629713168265216

Pebrero ngayong taon nang ibahagi ni Vice ang kanilang naging sekretong kasal ni Ion sa The Little Vegas Chapel sa Amerika noong Oktubre 2021.

Legal at kinikilala ang pagsasama ng LGBTQIA+ couple sa Amerika.

Basahin: Love truly wins! Ang nakakikilig na ‘wedding vows’ nina Vice Ganda at Ion Perez – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid