Nagdadalamhati ngayon ang Kapamilya singer na si Kyla Alvarez matapos muling makunan sa ikaapat na pagkakataon.

Sa kanyang Instagram update nitong Biyernes, ibinahagi ng R&B singer ang isa na namang masakit na yugto bilang isang ina.

“You have brought me so much joy, even for a few months that I carried you within me. It was all pure joy. But losing you..again..for the fourth time is unimaginable. I can’t even put my feelings into words,” mababasa sa Instagram post ni Kyla.

Dahil hindi ipinaalam ni Kyla kahit sa malalapit na pamilya ang tungkol sa kanyang muling pagbubuntis ay naging mahirap ngayon para sa singer ang magbahagi ng kanyang pagdadalamhati.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“I am screaming and crying in my head and I couldn’t tell anyone.”

Ito na ang pang-apat na beses na nakunan si Kyla matapos hindi rin naging matagumpay ang pagbubuntis ng singer noong Marso at Nobyembre 2018 at nitong Hulyo 2021.

Sa kabila ng nararamdamang sakit sa muling pagkakaroon ng anghel, nagpapasalamat pa rin sa Diyos si Kyla sa patuloy na pagpapaalala sa kanya nito sa mga taong nagmamahal sa kanya.

“He has blessed me with the best ones to love and love me back. Everything else is just bonus.”

Pinapasa-Diyos na lang ngayon ng singer ang nararamdamang sakit.

Mensahe naman ni Kyla sa kanyang ikaapat na anghel: “And to you, my little one. I pray for you. I hope you’ve felt how much we have longed for you; prayed for you and how much we love you.”

Taong 2011 nang ikasal ang Kapamilya singer sa basketball star na si Rich Alvarez.

Ang mag-asawa ay biniyayaan ng isang anak, si Toby, noong 2013.

Ilang kasamahan sa industriya ang nagpaabot ng virtual hugs kay Kyla kabilang na sina Karylle, Melai, at kapwa singer na si Angeline Quinto.