Matapos ang mga kumalat na espekulasyon kaugnay ng umano’y hindi pagiging tapat ni Mora Dela Torre sa asawang si Jason Hernandez, isang pahayag ang inilabas ng singer-songwriter, ngayong Biyernes ng gabi.

Dito inamin ng singer-songwriter na naging mahirap para sa kanya ang nakalipas na dalawang taong pagsasama nila ng asawa.

Sunod na pinabulaanan ni Moira ang usap-usapan ng umano’y pagkakaroon niya ng relasyon sa rising Pinoy artist na si Zach Tabudlo matapos ang kanilang Dubai concert noong Marso.

Claudine umapela ng dasal para sa 87-anyos na nanay: 'She is the only parent I have left'

Screengrab mula Facebook

Aminado rin ang “Paubaya” singer na hindi naging madali sa bawat pamilya nila ang kinahantungan ng kanilang hiwalayan kaya’t nais niyang linawin ang mga walang basehang espekulasyon.

Ngayong malayo pa aniya sila sa paghilom, hiniling ni Moira sa publiko na igalang ang kanilang pagdadalamhati.

“I don’t know what the future holds but I hope to continue to be the song that I sing. Even in pain—especially in pain—I will continue to place my hcomplete trust in the one who has never let me down,” ani Moira.

Kahit sa nararanasang bigat sa puso, nagawa pang magpaabot ng mensahe ng singer sa mga taong pareho ng kanyang pinagdaraanan.

“I hear you and I send you love.”

Nauna nang inamin ni Jason sa siang pahayag na naging "unfaithful" siya sa kanyang asawa.

Basahin: Jason, inaming naging ‘unfaithful’ kay Moira; celebrity couple, hiwalay na – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Taong 2019 nang ikasal sa isang enggrandeng garden wedding si Moira at Jason.

Larawan mula Facebook post ni Moira