Magsasagawa ng reblocking at repairs sa ilang kalsada sa Metro Manila ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ngayong weekend.

Sa inilabas na traffic advisory ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), dakong 11:00 ng gabi ngayong Biyernes, Hunyo 3 sisimulan ng DPWH ang pagsasaayos sa mga sumusunod na mga kalsada.

Kabilang sa kukumpunihin ang EDSA Santolan SB San Juan City innermost lane (Bus way) magmula sa V.V. Soliven Driveway patungo hanggang  Rochester Street; 

EDSA Quezon City NB harapan ng Cubao Farmers 2nd lane buhat sa sidewalk (bus lane) at Aurora Blvd. paglampas ng Kamuning intermittent section; 

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

C-5 Road NB (1st lane) pagkalampas ng Mckinley Road Makati City; C-5 Road SB (2nd lane) Makati City;

Tandang Sora Ave. Quezon City Visayas Avenue hanggang San Miguel St.; 

Times Street Quezon City kanto ng West Ave. harapan ng Kowloon House; Commonwealth Ave. Quezon City Zuzuarregui St. hanggang harapan ng Diliman Preparatory School (1st Lane buhat sa sidewalk); 

EDSA SB Quezon City sa Service Road 2nd block ng Timog Ave. intersection Service Road 2nd Block ng Kamuning Road at Service Road 2nd Block panulukan ng Kamuning Road; 

C.P. Garcia Avenue Quezon City harapan ng U.P. Ayala TBI (1st block magmula sa sidewalk); 

at C-5 Road Pasig City sa Pasig Blvd. Southbound harapan ng Botikang Pinoy at sa Doña Julia Vargas Westbound malapit sa Sitel Building.

Bubuksan sa mga motorista ang mga apektadong kalsada sa Lunes,Hunyo 6 sa ganap na alas-5:00 ng madaling araw.

Pinapayuhan ng MMDA ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta upang hindi maabala.