Dati lang tinitingala ang mga runners, ngayon ay tatlong buwan nang consistent sa kanyang training para sa kanyang running habbit si Pia Wurtzbach.

Sa isang Instagram post, kalakip ang kanyang larawan suot ang sexy and fit na two-piece running attire, ibinahagi ng Pinay Miss Universe titleholder ang naging journey niya para magpursige sa pagtakbo.

Tila isa ring secret ito ni Pia sa pagpapanatili sa kanyang parating summer-ready na pangangatawan.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

“Celebrating a new love today! 😊 For years I used to look at runners and think “wow…how to be you? 😅” I’ve always wanted to give it a try so I started with fun runs & virtual charity runs with WWF [World Wide Fund],” pagsisimula ni Pia sa kanyang IG post.

Nang dapuan ng coronavirus disease (Covid-19) noong Enero, dito aniya niya napagtanto na gusto niyang subukan ang naturang healthy habit.

“And then I got COVID last January and I hated the state I was in. I felt so weak, sluggish, not myself. That prompted me to finally give it a serious try. So I just went for it! 😅” ani Pia.

Noong unang mga linggo ng kanyang training, inamin ni Pia na hindi ito naging madali at halos isumpa niya ang bawat 30 minutong pagsasanay.

“But willpower was stronger and for the first time, I’m sticking to a program, not for aesthetic purposes. It’s not for a brand, for a photo shoot, or for a beach vacation. This is for ME. I wanna push myself and see where my body can take me. I wanna see how far I can go and how much stronger I can become, 😊” anang beauty queen-turned-actress kasabay ng pagdiriwang ng Global Running Day ngayong Huwebes, Hunyo 2.

Sa loob ng tatlong buwang pagpupursige, mas naging malakas siya aniya sa tulong din ng kanyang mga coach.

“I still have a long way to go, literally 😂, but it’s seriously so much fun & I can’t wait to reach more milestones in the months to come,” ani Pia.

Hinikayat naman ni Pia ang kanyang followers na subukan din ang healthy habit.

Samantala, proud naman ang kapatid ni Jeremy Jauncey, ang fiancé ni Pia, sa progress ng running lifestyle ng kanyang soon-to-be sister-in-law.

“LOVE this so much! Really proud of you and your running. Seeing the progression from January is amazing 🙌🏽. Remember you had a Dragon Limp in Edinburgh after New Years 😂 🐉" mababasa sa komento ni Tom Jauncey sa IG post ni Pia.

Kamakailan, isang adbokasiya kaugnay ng menstrual health ng mga kababaihan ang binigyang-spotlight ni Pia sa kanyang malawak na social media influence.

Basahin: Pia Wurtzbach, suportado ang adbokasiya kaugnay ng usapin sa pagreregla ng kababaihan – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid