Kagaya ng kantang “Malaya” ni Moira Dela Torre, tila umatras na sa laban ng kanilang relasyon nila ni Jason Hernandez ang singer-songwriter matapos maiulat na dalawang buwan na pa lang nilisan nito ang binuong tahanan nila ng mag-asawa.

Kasunod ng hiwalayan ng celebrity couple, maraming netizen ang nalungkot sa naging pagtatapos ng relasyon ng mag-asawa tatlong taon lang matapos ikasal noong 2019.

Sa pag-uulat, viral muli ang mga naging masasakit na kanta ni Moira kabilang ang Paubaya, Malaya, at ang Trilogy hit nito kasama ang asawa, Ben&Ben at I Belong to the Zoo sa mga kantang “Patawad Paalam,” “Paalam” at “Patawad.”

Basahin: ‘Paubaya’ ni Moira, muling binalikan ng mga netizen – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Claudine umapela ng dasal para sa 87-anyos na nanay: 'She is the only parent I have left'

Maging ang unreleased song ni Moira noong 2021 ay binalikan din ng netizens.

“Di ko alam, saan sisimulan? Kapag ba bibitawan, makakalimutan? Sana naman mapagbigyan ng kahit konting oras para magpaalam,” mabibigat na salita ng kanta ni Moira.

Sa isang ulat ni MJ Felipe ng ABS-CBN, isang malapit na kaibigan ni Moira umano ang nagsabing mahigit dalawang buwan nang umalis sa tahanan nila ni Jason ang singer.

Nauna nang inamin ni Jason na hindi siya naging tapat sa tatlong taong marriage nila ni Moira.

Basahin: Jason, inaming naging ‘unfaithful’ kay Moira; celebrity couple, hiwalay na – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid