Sa unang araw ng Hunyo ay muli na namang humirit ang 'Pambansang Lalaking Marites' na si Xian Gaza tungkol sa hiwalayan nina Moira Dela Torre at Jason Hernandez.

Bagama't wala namang caption at binabanggit na kahit ano, nabigyan ng malisya ang litratong ibinahagi niya sa kaniyang Facebook post.

Makikita si Jason na may seatmate na lalaki sa loob ng tila eroplano. Sa suot na sweater ay nakatatak ang salitang 'Malaya' o ang titulo ng isa sa mga hit song ni Moira.

Claudine umapela ng dasal para sa 87-anyos na nanay: 'She is the only parent I have left'

May be a black-and-white image of 3 people, beard, people sitting and indoor
Mac Merla at Jason Hernandez (Larawan mula sa FB/Xian Gaza)

Lalo pang umigting ang malisya rito dahil bago niya ito ibahagi, may isa pa siyang Facebook post na ang susunod daw na kanta ni Moira ay 'Lalaki ang Gusto'.

Screengrab mula sa FB/Xian Gaza

Kaya kumalat ang espekulasyong baka mjay relasyon umano sina Jason at ang lalaking kasama niya sa larawan.

Bago matapos ang Hunyo 1 ay nagsalita at nagpakilala ang naturang lalaki. Siya si Mac Merla.

"Saw this post of Xian which has become a subject of malicious speculation," panimula ng nagpakilalang si Mac.

"Just for the sake of clarity, for those who do not know us, I am Mac Meria of Cornerstone Entertainment, Inc. I am the handler of Jason and Moira."

"This was taken during our flight to Dubai for Moira's event which was taken by Moira herself."

"This is a very difficult time and we continue to pray for both of them."

May pakiusap si Mac para sa lahat.

"Pakiusap ko lamang sana sa inyo bilang malapit nilang kaibigan na sana umiwas na tayo sa mga speculations na hindi nakakatulong sa napakahirap na sitwasyon na pinagdaraanan nina Moi at Jason."

Screengrab mula sa FB/Mac Merla

Nitong Mayo 31 ay binasag ni Jason ang kaniyang katahimikan tungkol sa kanilang paghihiwalay ni Moira. 2019 nang sila ay ikinasal at naging trending pa ang wedding proposal ni Jason kay Moira.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/31/jason-inaming-naging-unfaithful-kay-moira-celebrity-couple-hiwalay-na/">https://balita.net.ph/2022/05/31/jason-inaming-naging-unfaithful-kay-moira-celebrity-couple-hiwalay-na/