Game na sinagot ni Kapamilya actor Gerald Anderson ang tanong sa kaniya ng press, kung dapat pa bang tanggapin o bigyan ng pangalawang pagkakataon ang isang taong nanloko o nagtaksil sa kaniyang karelasyon.

Naganap ang tanungan portion sa virtual press conference para sa inaabangang teleserye nila nina Ivana Alawi, Jameson Blake, Jake Ejercito, at Sam Milby na pinamagatang 'A Family Affair' sa ABS-CBN.

“Kailangang patunayan mo ulit na karapat-dapat kang pagkatiwalaan ulit," sey umano ni Gerald.

"Mahirap 'yon. That’s hard kasi nasira na ’yong trust eh, kumbaga may lamat na ’yon eh,” ang pahayag ng aktor sa ginanap na online presscon para sa bago niyang teleserye sa ABS-CBN, ang “A Family Affair”.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

"Ang pinakaimportante is stay together. Kaya naman, but hindi siya madali," dagdag pa.

“You just have to earn the trust again, start from zero, hindi lang zero, negative pa ’yan, 'di ba? Kailangan mong patunayan ulit ’yung sarili mo…"

Matatandaang naging kontrobersiyal ang buhay pag-ibig ni Gerald, na nagsimula pa noon kay Kim Chiu. Mas lalo siyang inulan ng kritisismo nang maghiwalay sila noong 2019 ni Bea Alonzo at ang itinurong dahilan ay ang kasalukuyang nobya na si Julia Barretto.

Itinanggi noon ni Julia ang mga paratang laban sa kaniya. Nilinaw naman ni Gerald na hindi si Julia ang dahilan kung bakit sila naghiwalay ni Bea.

Makalipas ang ilang buwan, unti-unti na ngang nailantad sa publiko ang kanilang relasyon.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/03/22/gerald-panay-na-ang-flex-kay-julia/">https://balita.net.ph/2021/03/22/gerald-panay-na-ang-flex-kay-julia/

Sa isang panayam, masasabi umano ni Gerald na si Julia na ang 'The One'.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/08/24/gerald-anderson-si-julia-na-ang-the-one-humihingi-ng-kapatawaran-kay-bea/">https://balita.net.ph/2021/08/24/gerald-anderson-si-julia-na-ang-the-one-humihingi-ng-kapatawaran-kay-bea/

Ayon naman kay Julia, kung magpo-propose sa kaniya si Gerald, isang malaking yes ang ibibigay niya rito. Handa umano siyang isakripisyo ang kaniyang showbiz career magampanan lamang ang kaniyang tungkulin bilang asawa at sa mga magiging anak nila in the near future.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/23/julia-handang-pakasal-at-talikuran-ang-showbiz-para-kay-gerald/">https://balita.net.ph/2022/05/23/julia-handang-pakasal-at-talikuran-ang-showbiz-para-kay-gerald/