Ibinahagi ng Kapamilya actor na si Enchong Dee ang kaniyang pagdo-donate ng dugo, sa kaniyang Instagram post nitong Mayo 31, 2022.

"Good kind of sheesh," ani Enchong. Kalakip nito ang kaniyang litrato habang nagpapakuha ng dugo.

View this post on Instagram

A post shared by Enchong Dee (@mr_enchongdee)

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

"But seriously, Thank you @chloevillegas for allowing me to help❤️ if you want to donate as well, please message Chloe☺️" saad pa ni Enchong. Batay sa lokasyong makikita sa IG, siya ay nasa Cardinal Santos Medical Center.

Marami naman sa mga netizen ang natuwa sa aktong ito ng Kapamilya actor, na kamakailan lamang ay naging matagumpay sa finale night ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 kung saan si Anji Salvacion ang itinanghal na Big Winner.

May isang netizen din sa comment section na nagsabing welcome daw si Enchong sa Digos City, na matatagpuan naman sa Davao Del Sur.

Speaking of Digos City, kumakalat na sa social media ang litrato niya kung saan naispatan daw siya sa Hall of Justice ng Digos City, kausap umano ang isang abogado para sa 'mediation' sa ₱1B cyber libel na isinampa laban sa kaniya ni DUMPER party-list representative Claudine Bautista-Lim? Kuha ang mga litratong ito mula sa isang lokal na news outlet sa Davao Del Sur.

Kung titingnan, tila magkakulay ang pantalong suot niya habang nagdo-donate ng dugo, sa suot niya sa litrato habang may kausap umanong abogado sa Hall of Justice sa Digos City.

May be an image of 4 people, people sitting and people standing
Larawan mula kay Gina Sarmiento Gp Arangkada

May be an image of 1 person, sitting and indoor
Larawan mula kay Gina Sarmiento Gp Arangkada

Matatandaang nakapagpiyansa lamang si Enchong nitong 2022.

Samantala, wala pang reaksiyon o kumpirmasyon si Enchong tungkol dito.