Balitang-balitang inaasikaso na raw nina Kapuso couple Carla Abellana at Tom Rodriguez ang kanilang annulment.

Iyan ay nagmula sa mga 'reyna ng showbiz chika' na sina Manay Lolit Solis at Cristy Fermin. Sa kaniyang Instagram post noong Mayo 29, naisulat ni Lolit na inaasikaso na nga nila ang annulment ng kanilang kasal. Curious din ang showbiz columnist kung ano ba ang nadiskubre ng dalawa sa isa't isa at umabot pa sa ganitong punto ang kanilang relasyon.

"Para naman hindi mo maintindihan iyon naging problema nila Carla Abellana at Tom Rodriguez, Salve. Nagpakasal at ngayon after wala pa yatang 6 months gusto ng ipa-annul ang kanilang kasal. Parang may mahiwagang pangyayari para maging ganito ang ending ng isang love story nila," ani Lolit.

Nakakapagtaka raw kasi na noong mag-jowa pa lamang sila, nagtagal naman sila at super sweet sa isa't isa.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

"Noong mag-BF/GF sila parang sugar so sweet ang kanilang peg. Pagkatapos, after their marriage biglang parang bad dream na gusto nilang kalimutan ang kanilang love story. Nakaka-curious kung ano ang naging discovery nila sa isa't isa na naging dahilan para biglang mas gusto nila maghiwalay kesa magsama."

"Parang bigla gusto mo malaman ang sikreto para tapusin nila ang love story nila. Napakalaking dahilan iyon para wakasan mo ang marriage bow ninyong dalawa. Very emotional pa naman sila ng ikasal sila, kaya talagang magkakaroon ka ng curiosity sa dahilan kung bakit naging ganito ang ending ng Abellana/Rodriguez love story. So mahiwaga hah."

Sa entertainment vlog naman ni Cristy na 'Showbiz Now Na' ay natalakay ni Cristy na gumugulong na nga raw ang annulment sa pagitan ng dalawa, habang nagpapagawa ng sariling bahay si Carla at nasa Amerika naman si Tom.

Samantala, nagbahagi naman ng IG story si Tom kung saan makikita ang isang litrato ng dalawang kamay na nakawala sa kadena. Curious tuloy ang mga netizen kung ano kaya ang kahulugan nito.

Screengrab mula sa IG/Tom Rodriguez

Matatandaang noong 2021 ay nagpakasal ang dalawa subalit ilang buwan pa lamang ang nakalilipas, umugong na ang mga bulung-bulungang nagkakalabuan na ang dalawa. May mga nasangkot pang 'third party' subalit nabigyang-linaw naman na walang kinalaman sa isyu nila.