Mainit na usapan sa pagtatapos ng Mayo at pag-uumpisa naman ng Hunyo ang pag-amin ni Jason Hernandez na hiwalay na sila ng misis na si Moira Dela Torre, dahil sa pagiging unfaithful ng una.

Naging mabilis naman ang mga netizen sa pagbuo ng memes tungkol umano sa male celebrities na napaiyak sa kanilang kasal subalit ang ending, hindi rin daw naging faithful sa kanilang misis at nagdulot ng hiwalayan sa relasyon.

Ilan sa mga ibinigay na halimbawa sina Aljur Abrenica, Jon Gutierrez, Tom Rodriguez, at pinakahuli nga ay si Jason.

"๐Š๐ฎ๐ง๐  ๐ง๐จ๐จ๐ง ๐ฉ๐š๐  ๐ฎ๐ฆ๐ข๐ข๐ฒ๐š๐ค ๐š๐ง๐  ๐ ๐ซ๐จ๐จ๐ฆ ๐ญ๐ž๐š๐ซ๐ฌ ๐จ๐Ÿ ๐ฃ๐จ๐ฒ daw kaya nakaka kilig para bride, pero ngaun pag umiiyak ang groom mo sa wedding day nyo aba KABAHAN KANA MARE," saad sa caption ng facebook page na '1Day'.

'Di kilala unang babaeng PH president?' Gurong contestant sa Showtime, trending sa X

"Oh yung nasa last na photo putulin na ang sumpa o uunahan ka ni senyorita Jessy Mendiola char!!"

Sa dulo, isinama rito ang Kapamilya TV host na si Luis Manzano. Pinangangambahan ng mga netizen na baka susunod na raw si Luis. "Wag naman sana," nakalagay pang text caption sa larawan ni Luis, mula sa kasal nila ng misis na si Jessy Mendiola, na ibinahagi nila sa kanilang YouTube channel.

Sa comment section ng Facebook page na '1Day' ay nagkomento naman dito ang misis ni Luis dahil mukhang nakarating na ito sa kaniyang kaalaman.

"Never wish ill on others. โค๏ธ masyado nang madaming negativity sa mundo. โ˜บ๏ธ wag pagtawanan ang heartbreak ng ibang tao, mabilis ang karma," ani Jessy.

Screengrab mula sa FB/Jessy Mendiola

Umabot naman sa halos 1K ang nag-react sa komento ni Jessy at sumang-ayon sa kaniyang tinuran.

Matatandaang nagpakasal sina Luis at Jessy noong Pebrero 21, 2021.