Napagkamalan umano ng isang netizen ang Kapamilya singer na si Jason Dy, na siya si Jason Hernandez, ang mister ni 'Queen of Hugot Songs' Moira Dela Torre, na ngayon ay nasa hot seat dahil sa pag-amin nitong hiwalay na sila ng misis, at ang dahilan nito ay pagiging unfaithful niya.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/31/jason-inaming-naging-unfaithful-kay-moira-celebrity-couple-hiwalay-na/">https://balita.net.ph/2022/05/31/jason-inaming-naging-unfaithful-kay-moira-celebrity-couple-hiwalay-na/

"Hindi po ako 'yun," caption ni Jason Dy na nagmula sa singing competition na 'The Voice of the Philippines'.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

https://twitter.com/JasonJamesDy/status/1531647586884431872

Ibinahagi ni Jason sa kaniyang tweet ang screengrab ng mensaheng ipinadala sa kaniya ng netizen via Instagram.

"Grabe ka Jason, nagawa mo pang mag-cheat kay Moira????? Ano bang kulang sa kaniya, hindi ka na naawa. Mga Leo talaga. Ayus-ayusin n'yo lang buhay n'yo iniiwan n'yo ng trauma ang tao!" saad ng galit na netizen.

Samantala, may ilan namang netizen ang nang-akusa kay Jason na baka siya lamang daw ang nagmensahe nito para sa sarili niya.

"I got this po from FB. Hindi ko po chinat sarili ko," paglilinaw pa ni Jason sa isa pang tweet.

https://twitter.com/JasonJamesDy/status/1531672051224047617