Nagsalita na rin sa wakas ang aktor na si Diego Loyzaga, na iniintrigang may bago nang karelasyon, sa katauhan ni dating Pinoy Big Brother housemate Franki Russell.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/21/diego-iniintrigang-may-bagong-jowa-na-barbie-mapapa-shot-puno-na-ba/">https://balita.net.ph/2022/05/21/diego-iniintrigang-may-bagong-jowa-na-barbie-mapapa-shot-puno-na-ba/

Matatandaang naging usap-usapan ang mga kumalat na litrato nilang dalawa kung saan tila sweet na sweet sila sa isa't isa; binati rin ni Franki si Diego sa birthday nito at tinawag na 'Papi'.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/22/franki-russell-tinawag-na-papi-si-diego-loyzaga-you-have-the-biggest-heart/">https://balita.net.ph/2022/05/22/franki-russell-tinawag-na-papi-si-diego-loyzaga-you-have-the-biggest-heart/

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa panayam na ginawa sa kaniya ng kolumnistang si Dolly Anne Carvajal noong Sabado, Mayo 28, sinabi ni Diego na walang romantic relationship sa pagitan nilang dalawa, at nananatili siyang single habang isinusulat ito.

Samantala, sa panayam naman sa mga half siblings ni Diego kay Sunshine Cruz, sinabi nila na hindi pa rin daw nila nakikilala si Franki sa personal, at wala silang alam sa kung ano ba ang real-score sa pagitan ng kanilang kuya at ng dating PBB housemate.

Si Franki naman, wala pa ring sey tungkol sa isyu.