Kababalik lang ni Anne Curtis sa noontime show na 'It's Showtime' noong Sabado, Mayo 28, subalit talaga namang pinag-usapan ito sa social media.

Bukod sa trending sa Twitter list ang muling pagbabalik, at ang pasabog na performance niya sa awiting 'Break Free' ni Ariana Grande, pinag-usapan din ang naispatang tila 'taray-tarayan' face reaction niya sa isang contestant sa segment na 'Showtime Sexy Babe'.

Agad siyang biniro ng co-host at Unkabogable Star Vice Ganda sa pamamagitan ng isang tweet.

"Inaano ka ba nung contestant @annecurtissmith ???” sey ni Vice Ganda sa kaniyang tweet noong Mayo 29, kalakip ang pinag-usapang video clip.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

https://twitter.com/vicegandako/status/1530840962637115392

Nakarating naman ito kay Anne kaya niretweet din niya at nilagyan ng caption na “Hahahahahaha" na may kalakip na grinning face with sweat emoji." Aminado naman si Anne na medyo 'kinakalawang' na siya sa hosting dahil nga natengga siya ng halos dalawang taon simula nang manganak siya at mag-lockdown nga.

https://twitter.com/annecurtissmith/status/1530803897581072384

Iba-ibang memes tuloy ang nanganak dahil sa short video clip na ito.

Sa Monday episode naman ng noontime show nitong Mayo 30, 'Anne Curtis' peg si Vice at ginawa ang 'taray-tarayan' moment ni

“Kung ako ang gumawa no'n, binash na ako. Yung seryoso, hindi joke, ha. Pero si Anne Curtis ang ganda ng caption, ‘A new meme was born.’"