Kumakalat ngayon sa social media ang tila maaanghang na tweets ng talent manager na si Wilbert Tolentino, gabi ng Mayo 30 na tila nagpapasaring sa beauty queen at Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 3rd Big Placer, Samantha Bernardo.

Ayon sa tweets ni Tolentino, 'user' at 'snake' umano ang kampo ng nasabing beauty queen.

“I never ask anything in return. I am a kind of person who doesn't need xpect gratitude to anyone. Public apology is enough 4 me from u & from ur handler. Otherwise I will spill the T what your Snake handler did to the entire PBB housemates. I don't deserve this kind of treatment," saad ni Tolentino kasabay ng pag-post ng screenshot ng convo nila ni Bernardo.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

https://twitter.com/sirwil75/status/1531247550694850560

Matatandaang sa buong PBB journey ng beauty queen, sinuportahan ni Sir Wilbert si Samantha bilang parte ng ‘Ka-Freshness’ kasama ang kapwa housemate na si Daisy Lopez o mas kilala bilang Madam Inutz.

Halo-halo naman ang reaksyon ng mga fans sa mga tweets ng talent manager.

“I don't know what happened pero di pa ba malinaw sa convo na ayaw na ni sam ng gulo tapos etong si wilbert di makaintindi HAHAHHHAHA."

"Samber queen thingz."

Samantala, nanawagan naman si Samantha sa kaniyang huling tweet na tigilan na ang hate.

“Hello outside world! Please let's STOP THE HATE AND SPREAD LOVE and KINDNESS ONLY! ♥️ I LOVE YOU ALL! 😍"

"May nanalo na po! Deserve ng lahat. ✨ Kalma na tayo. 🧘🏻‍♀️”

https://twitter.com/SamBer_Official/status/1531251602257956864

Sa ngayon ay hindi pa malinaw kung ano ang eksaktong nagawa ng beauty queen at ng handler nito kay Tolentino.