Ngayong araw, Mayo 31, ay ipinagdiriwang ang ika-44 na kaarawan ni Vice President-elect at outgoing Davao City Mayor Sara Duterte. Hindi naman nagpahuli sa pagbati ang kaniyang running mate na si President-elect Bongbong Marcos.

"Happy Birthday Mme Vice President! Cheers to the best running mate and BFF anyone could wish for!" ani Marcos.

Sa comment section naman ng Facebook post ni BBM, marami rin ang bumati sa kaniyang running mate.

Kamakailan ay nagpasalamat si Inday Sara kay BBM dahil aniya mahaba raw ang pasensya nito sa kaniya noong panahon ng kampanya.

National

Gatchalian kay Guo: 'See you tomorrow, sana magsabi ka na ng totoo!'

“Ako ay nagpapasalamat sa mga bumoto sa akin. At ako din ay nagpapasalamat sa ating President-Elect Bongbong Marcos,” saad ni Duterte sa kaniyang Facebook post noong Huwebes, Mayo 26.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/05/27/vice-president-elect-sara-duterte-sinabing-mahaba-raw-ang-pasensya-sa-kaniya-ni-president-elect-bongbong-marcos/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/05/27/vice-president-elect-sara-duterte-sinabing-mahaba-raw-ang-pasensya-sa-kaniya-ni-president-elect-bongbong-marcos/

Si Vice President-elect Sara Duterte ang pangatlong babae na manunungkulan bilang Bise Presidente sa kasaysayan ng Pilipinas.Siya ay anak ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagsilbi ring mayor ng Davao City bago maging pangulo ng bansa. Katulad ng ama, siya rin ay isang abogado.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/05/26/sara-duterte-ang-pangatlong-babae-na-manunungkulan-bilang-bise-presidente-sa-kasaysayan-ng-pilipinas/