Isa-isang sinagot ng magkatambal at real-life couple na sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte ang mga tanong sa kanila ng showbiz press, para sa ginanap na media launch ng kanilang incoming Kapamilya teleseryeng 'Love in 40 Days' na malapit nang mapanood sa Primetime Bida ng Kapamilya Channel.

Isa sa mga nauntag sa kanila ay ang sikreto ng kanilang anim na taong relasyon. Ayon kay Loisa, para daw silang magkaibigan ni Roisa. Bestfriend umano ang turingan nila sa isa't isa. Kapag may problema sila, kaagad daw nilang pinag-uusapan para hindi na lumala.

Sey naman ni Ronnie, nasa punto na raw sila ngayon na wafakels na rin sila sa sasabihin ng ibang tao, dahil ang mahalaga raw ay nagpapakatotoo sila sa isa't isa.

“Ginagawa lang talaga namin kung ano ba talaga ang gusto namin off-cam and sa mga pino-post namin sa Instagram, nagpapakatotoo lang kami. Hindi namin sino-showbiz lahat, may masabi sila sa amin wala kaming paki. Basta masaya kaming dalawa," ani Ronnie.

Claudine umapela ng dasal para sa 87-anyos na nanay: 'She is the only parent I have left'

Natanong din ang dalawa sa isyu na nagli-live in o nagsasama na raw sila sa iisang bubong. Bagay na pinabulaanan naman ni Loisa. Nagkataon lamang daw na malapit lang ang bahay nila sa isa't isa, at 15 minuto lamang ang gugugulin para makarating sila sa isa't isa.

"Pero ako naman, as long as na alam ko naman na hindi, okay naman kami, hindi ko naman na pinapatulan," wika ni Loisa.

Eh ayos lang ba sa kaniya ang konsepto ng live in?

“Puwede naman. Pero kasi depende eh, depende sa family mo, kung paano ka pagkakatiwalaan and siyempre dapat alam mo din ang priority mo na hindi mo pababayaan ang family mo. I think wala naman masama doon kasi ang dami rin naman mga magka-live in ngayon na nagtutulungan sila para mag grow,” ani Loisa.

“Lagi na lang ganyan ang issue sa amin," segunda pa ni Ronnie.