Kinapanayam ni Unkabogable Star Vice Ganda ang beauty queen-turned-actress na si Kylie Verzosa sa kaniyang latest vlog na 'What's the Tea, Kylie?' na umere nitong Mayo 30.

Dito ay kinumusta ni Vice si Kylie tungkol sa estado nito ngyaon, matapos ang break-up nila ng ex na si Jake Cuenca. Pag-amin ni Kylie, mas marami na siyang oras ngayong magkaroon ng oras para sa kaniyang sarili at ituon ang kaniyang atensyon sa mga proyekto.

Inamin din naman ni Kylie na hanggang ngayon ay nami-miss pa rin niya ang ex-jowa. Tatlong taon din naman kasi ang relasyon nila. Akala nga raw niya, si Jake na ang makakasama niya habambuhay.

"Akala ko siya na. Akala ko na hindi na ako magkakaroon ng heartbreak. Akala ko siya na. Saka nagmahalan kami. We loved each other," emosyunal na pagbabahagi ng beauty queen.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Wala raw siyang pinagsisisihan sa naging relasyon nila ni Jake.

"Naririnig ko sa ibang tao na parang sayang. Pero para sa akin hindi kasi siya sayang -- Natulungan namin ang isa't isa, nagmahalan kami, nagtulungan kami sa isa't isa. So para sa akin hindi 'yon sayang. Nag-grow kami together as individuals. So, bakit siya sayang?"

Aminado rin siyang masakit din naman para sa kaniya ang kanilang paghihiwalay.

"Siyempre bago pa lang at saka masakit pa rin. Minsan you can't especially kapag pagod ka na hindi mo mahe-help na balikan. Doon ako nalulungkot pa rin. Alam mo yon? Weird siya. Siyempre gusto ko ipakita sa tao the best version of myself. …Pero minsan I can't help na makita nila na hindi rin ako okay minsan."

Kahit daw na wala na sila, masasabi niyang mabuting tao umano si Jake.

Nagkasama sina Jake at Kylie sa teleseryeng 'Los Bastardos' at doon na umano nagsimula ang kanilang dating.

Panoorin ang vlog ni Vice ganda.