Higit isang buwan matapos unang kumalat ang umano’y hiwalayan nina Moira Dela Torre at Jason Hernandez, bagaman unang tinanggi ng parehong kampo, ay opisyal nang kinumpirma sa isang joint statement ngayong gabi ng Martes, Mayo 31.

Sa isang Facebook post, inilahad ng musikerong si Jason ang anunsyo.

“This is probably the hardest thing I’ve ever had to write. But since you guys have been with us from the start, it is only right that you hear this straight from me,” ani Jason.

Matapang na inamin din ni Jason na hindi siya naging tapat sa marriage nila Moira.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Dagdag ni Jason, “3 years ago, I married my best friend with the intent of spending the rest of my life with her. Though my love for her has always been genuine, a few months ago, I confessed to Moira that I have been unfaithful to her during our marriage. I believe that she deserved to know the truth rather than continue down a “peaceful” but dishonest path. I take full responsibility and I’m doing my best to be better.”

Humingi rin ng tawad si Jason sa kanyang mga nasaktang tao, lalo aniya si Moira.

Kalakip ng post ni Jason ang joint statement ng dalawa.

Sa huli, hiniling ng parehong kampo na igalang ang kanilang “privacy.”

Larawan mula Facebook post ni Jason Hernandez

Nitong Abril, unang kumalat ang usap-usapan ukol sa hiwalayan ng dalawa.

Basahin: Mag-asawang Moira at Jason, kumpirmadong nagkatampuhan, sey ng source ni Ogie – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Bagaman pinabulaanan ni Jason, tuluyan na nitong kinumpirma ang split ng celebrity couple.

Basahin: ‘Hindi nangaliwa si Moira’: Jason, pinabulaanan ang hiwalayan umano nila ng singer – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid